'Christmas Wonderland' Pamasko ni Jessica Soho sa mga Pinoy | Bandera

‘Christmas Wonderland’ Pamasko ni Jessica Soho sa mga Pinoy

- December 10, 2017 - 12:35 AM

 

MADALAS na nakikita natin na imahe ng Pasko sa mga Christmas cards ang snow, alps, carolers, snow globes, Christmas markets, at siyempre pa si Santa Claus.

Bagamat walang kasing saya ang Pasko sa Pilipinas, tila ba lihim na pantasya ng maraming Pilipino ang makapag-Christmas sa mga bansang tila naging simbolo rin ng holiday season. Kaya ngayong Linggo, tutuparin ni Jessica Soho ang mga pangarap na ito at dadalhin niya ang mga viewers sa tatlong bansa sa Europa sa Christmas Wonderland Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Sisimulan ni Jessica ang kanyang biyahe sa Austria, pupuntahan niya ang mga shoot location ng isa sa mga all-time favorite Christmas movies, ang klasikong “The Sound of Music”.

Karapat-dapat din lang na tawaging “The Land of Music” ang Austria. Dito lang naman nagmula ang isa sa pinakapamosong Christmas carol, ang “Silent Night”. At habang nasa Austria, titikman din ni Jessica ang mga dinadayong mga pagkain doon.

Sinasabi namang next big thing na travel destination sa 2018 ang Slovenia. Buong puso rin nilang pinagmamalaki na sila lang daw ang may salitang “love” sa pangalan ng kanilang bansa. At sa dami ng delikadong coverage na sinuong ni Jessica, sa Slovenia masusubok ang kanyang tapang: ang hamon ng world’s steepest zipline.

Para naman sa Game of Thrones fanatics, isang aginaldo ang handog ng KMJS dahil sunod sa listahan ang mga naging shoot locations ng Game of Thrones na tourist destination na rin ngayon sa Croatia.

May makabagbag-damdaming surprise rin ang KMJS para sa ilang OFWs sa Europa. Huwag palampasin ang “Christmas Wonderland: Kapuso Mo, Jessica Soho Special” ngayong Linggo na pagkatapos ng “Daig Kayo ng Lola Ko” sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending