Sharon kina Joshua at Julia: Sana talaga sila na ang magkatuluyan! | Bandera

Sharon kina Joshua at Julia: Sana talaga sila na ang magkatuluyan!

- December 09, 2017 - 12:01 AM


GUSTUNG-GUSTO ni Sharon Cuneta na magkatuluyan sa tunay na buhay sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kinikilig si Mega kapag nakikita niyang naglalambingan ang dalawang bagets, nakakabata raw kasing pagmasdan ang mga ito na nakasama nga niya sa certified blockbuster reunion movie nila ni Robin Padilla na “Unexpectedly Yours”.

Botong-boto raw si Sharon kay Joshua para kay Julia, “Sana matagal pa ‘to mangyari pero sana ang ending talaga ay sila ni Joshua. Because they really get along so well. May sarili silang mundo na kapag nag-uusap sila, napaka-into each other nila na parang enjoy na enjoy silang may sarili silang mundo. Nakakatuwang panoorin.”

Mas naging close si Mega sa rumored couple matapos nilang gawin ang “Unexpectedly Yours” at wala siyang masasabing hindi maganda sa magka-loveteam dahil bukod sa mababait na ang mga ito ay napaka-professional pang mga artista.

“Napakabait na bata, napakabuting anak. Ang words niya sa akin, ‘I am obsessed with my mom.’ Parang gusto kong tawagan ang mga anak ko at sabihing ma-obsess naman sila sa akin. Wala kaming sakit ng ulo sa kanila ni Joshua.

“Very professional, magaling umarte. Nakakatuwang malaman na coming from a family of beautiful women, tapos isang pangalan na kilala na sa showbiz, napaka-humble. Kapag may eksena ka, nadadala talaga ako at naiiyak ako. We’ve become friends,” ani Mega.

Pinayuhan din ni Sharon si Julia, huwag na huwag daw itong makakalimot sa kanyang pamilya kahit na anong mangyari, “Talagang everything is in the right place in your life and in your heart. Work will always come and go but your family, from your mother to your siblings, those are the ones that are going to be there forever.”

Inamin din ng Megastar na ngayong hindi na sila madalas magkita-kita dahil tapos na ang kanilang movie, miss na miss na niya ang dalawang anak-anakan.SHARON KINA JOSHUA AT JULIA: SANA TALAGA SILA NA ANG MAGKATULUYAN!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending