Cash surrender value ng GSIS | Bandera

Cash surrender value ng GSIS

Lisa Soriano - June 19, 2013 - 12:35 PM

DEAR Aksyon Line,

Magandang araw. First time kong nabasa ang inyong kolum at ako’y naging interesado agad lalo na sa mga pagbibigay linaw sa mga katanungan ng mga tulad kong mambabasa.

Sa ganitong punto, ako ay may kaunting katanungan din na nais mabigyan ng kasagutan. Naging empleyado ako ng LRTA noong taong 2000 hanggang 2002. Ako ay nakapaghulog sa GSIS simula 2001 hanggang 2002.

Nais ko sanang itanong kung ako ay covered pa rin ng mga benepisyo ng GSIS ngayong hindi ko na nahulugan ito? Mayroon pa ba akong makukuha kung sakali man na ipull-out ko na ang aking mga ihinulog?

Kanino ako pwedeng makipag-ugnayan kung sakali mang iproseso ko ang aking mga papeles? Inaasahan ko ang inyong malugod na kasagutan sa aking mga tanong. Maraming salamat at more power.

Siyanga pala, hindi ko na rin matandaan ang aking GSIS number. Maaari n’yo ba itong i-search?

Gumagalang,
EDWARD DE
GUZMAN DAYANG
Birthday:
March 18, 1967
Name of Mother: Estela L. De Guzman
Reply:
Magandang hapon po, Sir Edward.

Base sa aming records, ang inyong last day of actual service ay July 31, 2003.
Kung ito ay tama, maaari po kayong mag-file ng cash surrender value/termination value ng inyong insurance policy. Ito ay subject for reconciliation and evaluation ng aming mga processors. Ang mga basic documents na kailangan ninyong i-submit ay ang mga sumusunod:

Application form properly accomplished (downloadable from the GSIS website)
Certification of last day of actual service

Maaari ninyong i-submit ang inyong application sa GSIS Pasay City.

Salamat po.
Theresa S. Moll
GSIS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending