Pekeng anak ni Marcos arestado dahil sa fraud at baril | Bandera

Pekeng anak ni Marcos arestado dahil sa fraud at baril

- December 08, 2017 - 01:18 PM

ARESTADO ang isang lalaki na nagpakilalang anak umano ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos sa isang villa sa loob ng dating Fontana Leisure Park sa Clark Freeport, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group.

Naaresto si Edilberto del Carmen, na gumagamit ng pangalang Angel Ferdinand Marcos, ganap na alas-8:30 ng umaga matapos ang isilbi ang search warrant, sabi ni Chief Insp. Rommel Labalan, CIDG Pampanga chief.

Kabilang sa mga nakumpiska ng CIDG ang tatlong  cal. 5.56mm rifle, limang MK2 hand grenade,  isang cal. 9mm submachine gun, isang PCM 1911 cal. 22 pistol at iba’t ibang mga magazine at bala, dagdag ni Labalan sa isang panayam.

Idinagdag ni Labalan na si del Carmen ang pinaghihinalaang lider ng Del Carmen Criminal Group na sangkot sa “involved in fraud scam and illegal possession of firearms.”

Inirereklamo si del Carmen ng mga may-ari ng hotel at restaurant sa Clark at kalapit na Angeles City.

Itinanggi na ni dating senador  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kilala niya si del Carmen at tinawag na peke. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending