Mass shooting ng isang Pinoy sa isang mosque sa Florida napigilan
Napigilan ng mga otoridad ang mass shooting sa isang mosque sa Jacksonville matapos maaresto ang 69-anyos na Pinoy immigrant na kinamumuhian umano ang mga Muslim sa Jacksonville, Florida.
Kinasuhan ng mga pulis si Bernandino Gawala Bolatete matapos makuhaan ng isang silencer na hindi nakarehistro sa kanya sa National Firearms Registration and Transfer Record na kanyang nakuha mula sa isang undercover officer.
Ibinenta ang silencer noong Disyembre 1 sa isang parking lot sa Academy Sports and Outdoors sa 11901 Atlantic Blvd.
Inaresto si Bolatete sa kanyang bahay at nahaharap sa 10 taong pagkakakulong sa federal prison. Siya ay isang a green card holder.
Nagsimula ang imbestigasyo laban kay Bolatete noong Oktubre nang makatanggap ang Sheriff’s Office ng impormasyon laban kay Bolatete kung saan “expressed a hatred for Muslims and made a specific threat to ‘shoot up’ a mosque,” batay sa kaso.
Inirekord ng undercover ang pag-uusap nila ni Bolatete noong Nob. 10, Nob. 14, Nob. 20 at Nob. 24 at ibinigay sa FBI bilang ebidensiya, ayon sa Jacksonville.com.
“If I ever decide to do that I’m not thinking of getting caught. I’ll … I’ll die there in that area. [laughter] They’ll be some sort of suicide thing … suicide by police?” sabi ng transcript.
Lumalabas na isa na lamang ang natitirang kidney at hindi na rin ito gumagana ng maayos.
Base sa reklamo, nagpraktis pa ang si Bolatete ng pamamaril kasama ang undercover officer sa gun range.
Nagmaneho rin sila sa Islamic Center at itinuro sa opisyal ang tore kung saan isasagawa ang mass shooting.
Sa kanyang pahayag sa opisyal, sinabi ni Bolatete na meron siyang limang baril, kasama ang isang AR-15 na maaaring gawing AR-47.
Nakipag-ugnayan ang Sheriff’s Office sa FBI, Florida Department of Law Enforcement sa isinagawang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.