’Ang Larawan’ ni Paulo magmamarka sa kasaysayan ng MMFF | Bandera

’Ang Larawan’ ni Paulo magmamarka sa kasaysayan ng MMFF

Jun Nardo - December 05, 2017 - 12:20 AM

Photo courtesy of anglarawan.com

ISA sa mga dapat abangan ng mga manonood sa MMFF 2017 ay ang musical-drama na “Ang Larawan” which was based on Nick Joaquin’s play “A PORTRAIT OF THE ARTIST AS FILIPINO.” Bida rito sina Paulo Avelino, Rachel Alejandro, Joanna Ampil at marami pang ibang OPM icon.

Ito ay kuwento tungkol sa pagmamahal, pamilya at pagmamahal sa sining o art. Sa statement ng mga producer ng pelikula, kung saan kabilang din ang Heaven’s Best Entertainment nina Harlene Bautista, kahit na noong 1941 pa ang setting ng movie, siguradong makaka-relate pa rin daw ang mga Pinoy.

Tatakbo ang kuwento sa pagitan ng dalawang “unmarried sisters”, sina Candida at Paula, na tumangging ibenta ang painting ng kanilang amang si Don Lorenzo Marasigan kahit na ang kapalit nito ay malaking kayamanan at karangyaan sa buhay. Ang isa pa sa highlight ng “Ang Larawan” ay ang huling La Naval procession sa Intramuros na isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan ng Maynila.

“This scene is one of the reasons why our movie got a grant from the Quezon City Film Development Commission, since the Our Lady of the Most Holy Rosary La Naval is a patroness of Quezon City. We are very blessed and thankful,” ayon kay Celeste Legaspi na siyang executive producer ng pelikula at isa rin sa members ng cast.

Makakasama rin sa pelikulang ito sina Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo, Robert Arevalo, Sandino Martin, Cris Villonco, Aicelle Santos, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo, with the special participation of Ogie Alcasid, Rayver Cruz, and Zsa Zsa Padilla and Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas, Noel Trinidad, Nanette Inventor at Dulce.

“Ang saya ng Pasko ko!” ang nasambit ni Paulo nang malamang kasali na sila this year sa MMFF. Dugtong pa niya, “Mabuhay ang musika at pelikulang Pilipino!”

Sabi naman ni Harlene, naniniwala sila sa ganda ng pelikula at sa layunin nitong makapagbigay ng de-kalidad na musical drama film sa mga Pinoy ngayong Kapaskuhan. Showing na ito sa Dec. 25 nationwide sa direksyon ni Loy Arcenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending