Maine nagpalamig sa Amerika kaya wala sa Eat Bulaga | Bandera

Maine nagpalamig sa Amerika kaya wala sa Eat Bulaga

Cristy Fermin - December 05, 2017 - 12:05 AM


NAGBABAKASYON pala sa Amerika si Maine Mendoza. ‘Yun ang dahilan kung bakit hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga. Tanong ng marami ay umalis daw kaya nang walang paalam ang Dubsmash Queen o nagbigay naman siya ng abiso sa produksiyon sa hindi na pagsipot sa noontime show na nagpalaki ng kanyang pangalan?

Siguro naman ay bumusina siya, siguro naman ay nagpasintabi siya sa kanyang management agency at sa produksiyon ng noontime show, dahil kung hindi niya ginawa ang ganu’ng pagbibigay-respeto ay siguradong magkakaroon ‘yun ng balik sa kanya.

Hindi na basta ang mga nagtatampo lang niyang tagasuporta ang magsasabing wala siyang respeto at utang na loob, ganu’n din ang magiging damdamin ng kanyang mga bossing at katrabaho, sakaling hindi siya nagpaalam na magbabakasyon siya.

Dahil maykaya nga sila sa buhay ay hindi siguro pinanghihinayangan ni Maine ang kung anumang mga oportunidad na mawawala sa kanya sa paglalabas ng rebelasyong magkaibigan lang sila ni Alden Richards.

Pero kung kami ang tatanungin ay mas lutang ang katotohanan na hindi niya passion ang pag-aartista, nagkataon lang na dumating sa kanya ang oportunidad na maging artista, kaya pinasok niya ang lokal na aliwan.

Dahil kung mahal ni Maine Mendoza ang kanyang trabaho ay pahahalagahan niya ang tambalan nila ni Alden, ang mga tagasuportang nagpapakamatay na halos para sa kanilang dalawa, pati ang mga taong may malaking naitulong para siya makilala.

Dahil hindi niya ‘yun pinahalagahan ay mas madaling sabihin na hindi talaga ito ang mundo ni Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending