Horoscope, December 05, 2017 | Bandera

Horoscope, December 05, 2017

Madam Sophia |December 05,2017
facebook
share this

Horoscope, December 05, 2017

Madam Sophia - December 05, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan isang kaibigan ang magkakatagpo may iaalok na pagkakakitaan – sunggaban mo agad, pagkakataon mo na para madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, ang pagpapasensya sa kasuyo ay magbubunga ng masarap na samahan sa kinabukasan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Red at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Iwasang maging mainitin ang ulo. Sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, habang nagpapakabait lalong tatamis at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Orange at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa sa iyo na nagiging dahilan upang bumagal ang dating ng pera. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa pinansyal at pag-ibig, habang nangungulila sa kasuyo lalo namang madadagdagan ang salapi. Sa dakong hapon hanggang gabi, may isang hindi inaasahang romansang magaganap. Mapalad ang 4, 17, 28, 31, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Yellow at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Magkakapera ng malaking halaga ang tanong kaya mo ba itong tipirin upang hindi maubos agad? Kapag nagkapera, paglaanan ang nalalapit na pasukan upang mas maging maligaya ang pamilya at siyempre dapat magtira, para naman sa saving ng pamilya para sa mga biglaang pangangailangan. Mapalad ang 2, 7, 16, 28, 35 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Tama ang ginagawa mo ngayon. Paglalaan ng oras sa page-exercise, para magpa-sexy. Mahirap talaga ang tumataba lalo na’t magpapasko pa naman. Habang gumaganda ang hubog ng katawan, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyong sa iyo ay takam na takam. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Sa pinansiyal, paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan! Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ipalasap sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Green at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sa iyo! Sa unang araw ng Simbang Gabi may magandang regalo kang matatanggap buhat sa isang secret admirer. Mapalad ang 6, 12, 15, 26, 36 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi mo napapansin inuuto at sinasamantala ka lang nila. Ipakita sa minamahal at sa mga kaibigan na marunong ka ring magalit upang hindi sila umabuso. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nameh-Om.” Green at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Nagpaplano kang mag-shopping at mamili ng mga regalo para sa pasko. Ang problema inaalala mo ring baka maubos at masimot agad hawak mong pera? Wag kang mag-alala, ang lahat ng ipamimigay mo sa Pasko ay babalik din sa iyo ng langit ng higit, doble at mas marami pa. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Iwasan ang isang hangal na pag-ibig hatid ng isang nilalang na medyo chubby o mataba. Sa pinansyal, wag ubusin lahat ang perang hawak sa maluhong Holiday Season, ngayon pa lang paghandaan mo na rin ang Bagong Taon at Valentine’s day. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Silver at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — May babala ng karamdaman. Pahinga muna sa trabaho. Ang dapat ay maglibang. Makinig ng musika habang nagpe-Facebook. Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, may babala na ikaw ay mapahamak. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Puranha-Om.” Maroon at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari. Tama ang kasalukuyang ginagawa – maging matapang! Sa pag-ibig, lakas ng loob ang susi upang mapagwagian ang puso ng minamahal. Mapalad ang 5, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ava-Yara-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending