Garin, Ubial panagutin sa P3.5-B dengue vaccine | Bandera

Garin, Ubial panagutin sa P3.5-B dengue vaccine

Jake Maderazo - December 04, 2017 - 12:15 AM

HINDI mapagkatulog ngayon ang mga magulang ng 733,713 Grade 4 public students dito sa Metro Manila, maging sa Central Luzon at Calabarzon matapos bumandera ang P3.5 bilyon na anti-dengue vaccine ng nakaraang PNoy admi-nistration. Isama na natin diyan yang mga batang pinabakunahan din ng mga pediatricians na suki ng bagong “bakuna” na ito.
Bakit nga hindi? Mismong ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur ay umamin noong November 29 sa Paris na may matindi at negatibong side effect ang kanilang bakuna.
Ayon sa Sanofi, malaki ang panganib na magkaroon ng severe dengue ang mga batang nagka-dengue na at tatamaan sa ikalawang beses ng tinawag na “different dengue virus”.
Sinabi rin ng Sanofi, hindi dapat bakunahan ang mga batang hindi pa tinatamaan ng dengue. Maliwanag tuloy na masama ito sa bata, tinamaan man o hindi pa ng dengue.
Sa press conference ng Department of Health nitong Sabado, sabi ni Health Sec. Fransisco Duque, inaalam pa ng gobyerno ang mga deklarasyon ng Sanofi Pasteur. “We’re awaiting Sanofi’s definition of severe disease. Magulo, e, there is no clarity”.
Ayon pa kay Duque, ligtas pa raw sa loob ng isa’t kalahati hanggang dalawang taon ang mga batang nabakunahan dahil nandyan pa ang proteksyon. Mga pahayag na sa pananaw ko ay “damage control” lamang para pakalmahin and publiko.
Tulad ng sinasabi nitong si Dr.Scott Halstead, 50 year dengue expert at founder ng Pediatric Dengue Vaccine Initiative, na ang Dengvaxia ay nagdudulot ng mas matin-ding sakit tulad ng dengue hemmorhagic fever hindi lamang sa båtäng nagka-dengue na kundi lalo sa mga båtäng hindi pa nade-dengue.
Ayon naman kay Dr. Susie Pineda-Mercado, dating DOH Undersecretary at International public health expert, ito raw ang tinatawag niyang “biggest government funded clinical trial-masked-as-a-public-health program scam of an experimental drug in the history of the DOH”.
Ito raw ay “reckless” and irresponsible” na simula pa lamang ay niloko ang publiko na poprotekahan ng bakuna ang kanilang mga anak pero inilagay pala sa mas mapanganib na kalagayan.
Paano ba nangyari itong eksperimento ni ex-DOH Sec. Janette Garin at nagplano silang gawing “dagang kosta” (guinea pig) ang halos isang mil-yong grade 4 public students? Paanong ipinatupad ang pagbabakuna nang wala pang final resuts? Kailan pa ginawang laboratoryo ng “human trials” ang Pilipinas?
Noong December 2015 sa Paris, France, si Pnoy ay may “courtesy call” sa mga Sanofi pasteur executives. Ilang araw ang nakalipas, i-naprubahan ni ex-DOH Sec. Garin ang pagbili ng P3.5 bilyon vaccines ng Sanofi at sinimulan ang pagbabakuna dakong Abril 2016 sa mga grade 4 students o isang buwan bago mag-eleksiyon.
Nang manalo si President Duterte at maging secretary ng DOH si Paulyn Ubial, nakapagtataka na naging urong-sulong ang naging aksyon nito sa DENGVAXIA. Noong July 2016, pumirma si Ubial sa resolusyon na nagpapatigil sa programa at sinabing hindi ito ligtas. Sinabi niya rin ito sa 2017 budget panels na merong “potential health risks” ang naturang bakuna. P
Pero, noong September 28, 2016, nag-isyu siya ng “Certificate of exemption for the vaccine, Dengvaxia” na pwede pa raw gamitin ng DOH. Nang komprontahin sa Commission on Appointments, nag-apologise at sinabing nakalimutan niya ang July resolution.
At ngayon nga, lu-mabas na ang resulta ng final trials at natuklasan na talagang matindi ang negatibong side-effects nito.
Sa mga balita, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay maglalabas daw ng department order para siyasatin and natu-rang P3.5-B Dengvaxia program ng DOH ng nakaraang administration. Si Senator JV Ejercito ay nagsabi na magsisiyasat din ang kanyang Senate Committee on Health sa naturang Dengue vaccination program, pero sa January 2018 pa (Ano ba iyan, walang sense of urgency, sir? Istorbo ba sa 2018 budget?), kasabay na rin ang Senate blue ribbon committee ni Senator Dick Gordon.
Sa totoo lang, nakakagalit ang Dengvaxia program na ito. Ang halaga nito ay P1,000 sa “over the counter”, kayat napakalaking P3.5B ang ginastos na tax money rito. Ayokong maniwala na minadali ito para makalikom ng “campaign funds” para sa kandidato ng LP noong May 2016.
Isipin niyo, nag-mi-ting ng Disyembre sa France at ilang araw lang aprub na ang kontrata sa DOH at limang buwan, naipakalat na agad ang bakunang hindi man lang dumaan sa “quality assu-rance”, o “due diligence” lalo’t ito ay isang “expe-rimental drug” pa lamang.
Kunsabagay, si Dra. Janette Garin ay hindi lamang doktor kundi isa ring kongresista ng Libe-ral Party, bago naging pinuno ng DOH kayat may koneksyon sa pulitika ang pagmamadali nito. At tauhan naman niya sa DOH bilang Assistant secretary ang pumalit sa kanyang si Dr. Paulynn Ubial na lumilitaw nga-yong kakampi niya sa Dengvaxia, kayat nagtuloy-tuloy ang eksperimento ng dagang kosta.
Nakabantay ang taumbayan sa isyung ito, at ang masakit, buhay ng kanilang mga anak, apo at kamag-anak ang nahaharap sa sinasabing side effect na severe dengue ng naturang bakuna. Ito po’y isang makatotohanang “public emergency” na hindi dapat isantabi ng Malakanyang, Senado, Kamara, DOH at iba pa. Kailangang managot dito ang Sanofi-Pasteur, ang nakaraang Aquino administration by legal action “for putting the Fi-lipino children at risk”.
Kung pupwede sana, bakunahan niyo agad ng Dengvaxia itong si Garin pati ang tauhan niyang si Ubial, para naman, malaman nila kung ano ang ibig sabihin ngayon ng severe dengue sa bawat magulang ng 773,713 mag-aaral!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending