Cesar idedemanda si Marlene Aguilar: Wala akong ginawang masama!

December 04,2017
share this

Cesar idedemanda si Marlene Aguilar: Wala akong ginawang masama!

December 04,2017
share this

PLANONG  idemanda ni Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer Cesar Montano ang kapatid ni Freddie Aguilar na si Marlene Aguilar matapos siyang akusahan ng “corruption” at “misconduct.”

Sa isang panayan sinabi ni Buboy na ayaw na niya sanang kasuhan si Marlene dahil hindi naman daw bahid ng katotohanan ang mga paratang sa kanya ngunit ang payo ng mga taong malapit sa kanya ay turuan ng leksyon si Marlene.

“The people close to me are already crying foul against all the vicious attacks on my person and character. You know me, I’m not a person who engages anyone on things like this, lalo na hindi naman totoo.

“I didn’t want to be filing a case against anyone. It’s not my style. But this time, I think it is just right because there are people who mistake our silence for toleration of their wrongful behavior against me.

“I have done nothing wrong. I have nothing to hide,” ang mariing pahayag pa ng aktor sa nasabing interview laban sa kapatid ni Ka Freddie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending