Responsable sa pamamahagi ng dengue vaccine papanagutin | Bandera

Responsable sa pamamahagi ng dengue vaccine papanagutin

Bella Cariaso - December 03, 2017 - 12:10 AM

NITONG nakaraang mga araw ay nagulat ang lahat nang ihayag ng drug manufacturer Sanofi Pasteur na mapanganib para sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue ang dengue vaccine na Dengvaxia.

Bagamat sinuspinde na ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng vaccine, maraming mga magulang ang nangangamba ngayon dahil umabot na pala sa 400,000 bata ang nabigyan ng bakuna.

Hindi naman masisisi ang mga magulang na matakot para sa kani-kanilang anak dahil sa posibleng masamang epekto nito sa mga batang nabakunahan na.

Wala pang klarong paliwanang ang DOH kung gaano katindi ang panganib na dulot ng dengue vaccine sa mga bata na hindi pa nakakaranas na magkaroon ng dengue.

Ang tanging pagtiyak pa lamang ng DOH, wala pa namang napaulat na worse case scenario kaugnay ng masamang epekto ng vaccine.

Kung tayo ang magbabalik-tanaw, bago pa man ipatupad ang immunization program ng DOH kaugnay ng dengue vaccine, marami nang eksperto ang nagbabahala laban sa premature na pamamahagi nito sa bansa.

Mismong ang Department of Science and Technology (DOST) at mga doktor ang nagbabala noon na maghinay-hinay muna ang DOH dahil nga wala pang kongkretong resulta kaugnay ng posibleng side effect ng dengue vaccine.

Ngunit sa kabila nito, itinuloy ng DOH ang pamamahagi ng vaccine.

Kung totoo ang paliwanag ng Sanofi, imbes na makatulong, mas tatamaan ng dengue ang mga batang nabakunahan.

Ang nakakabahala pa rito ay ang tindi ng epekto nito sakaling magkaroon ng dengue ang mga batang nabakunahan.

Sana’y hindi naman mangyari ang pinangangambahan ng mga eksperto na nagbabala sa DOH.

Kapag kasi nagkataon, imbes na makatulong, problemang malaki ang ibibigay pala ng dengue vaccine na ipinamahagi.

Leksiyon ito para sa DOH na bagamat nais natin ng solusyon laban sa tumataas na bilang ng mga nagkakasakit sa dengue, hindi naman ito dapat maging dahilan na madaliin ang pamamahagi ng dengue vaccine, na sa bandang huli pala ay mas malaking delubyo ang maaaring idulot sa mga bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin dapat kalimutan na kung may dapat papanagutin sa nangyari, tiyakin na makakasuhan ang mga opisyal na nagpabaya kayat basta-basta naipamahagi ang vaccine sa 400,000 mga bata sa iba’t ibang panig ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending