Coco: Gusto kong ipakilala si FPJ sa mga kabataan ngayon!
TAKING the directorial reins is one of Coco Martin’s dreams.
“Honestly, noong nasa indie pa ako ay ‘yun ang pangarap ko pero nahihiya akong sabihin sa kahit na kanino. Napakataas noon kasi. Sino ang maniniwala sa akin, eh, hindi naman ako nag-aral ng filmmaking.
“Pero sabi ko nga, sa process na pinagdaanan ko sa indie ang dami kong natutunan hanggang sa pagpasok ko sa telebisyon. Siyempre, ang dami mong nakikitang mga bagay-bagay. Hanggang sa makapasok nga ako sa mainstream movie. Nag-iba ang pananaw ko,” say niya sa intimate presscon for “Ang Panday.”
“Definitely, kung dati pa akong nagdirek, pure indie ‘yon, baka talagang hardcore. Ito bang pelikulang ito (Ang Panday) ay para sa akin as a director o para sa viewer. Para sa akin ito ay para sa viewer. ‘Yung ang natutunan ko sa mainstream at sa TV, na ‘wag kang maging makasarili. Gusto ko ma-appreciate nila ang ginawa kong pelikula,” dagdag pa niya.
Coco admitted na he’s inspired by FPJ.
“Sabi ko nga, siya naman talaga ang inspirasyon ng halos lahat ng action star sa Pilipinas. Bakit ko ginawa ang Ang Probinsyano, bakit ko ginawa ang Ang Panday? Kasi gusto ko na maipakilala sa bagong henerasyon ngayon, sa mga kabataan kung ano ang mga legacy ni FPJ. Gusto kong maipakita ‘yung values sa bawa’t pelikulang ginawa niya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.