Hidilyn Diaz wagi ng pilak at tanso sa IWF World Championships | Bandera

Hidilyn Diaz wagi ng pilak at tanso sa IWF World Championships

Angelito Oredo - December 01, 2017 - 10:00 PM

          Photo from Philippine Sports Commission Official Facebook

NAKAPAGWAGI ng tig-isang tanso at pilak ang Philippine weightlifting queen na si Hidilyn Diaz sa pagsabak nito sa women’s 53-kilogram division ng 2017 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na ginanap Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga, PH time) sa Anaheim Convention Center sa Anaheim, California, USA.

Bumawi ang three-time Olympian mula sa ikaanim na puwestong pagtatapos sa snatch sa nabuhat nito na 86 kg matapos na iangat nito ang ikalawang pinakamataas na binuhat na 113kg sa clean and jerk para makuha ang ikalawang puwesto at medalyang pilak.

Ang pinagsama nito na nabuhat sa snatch na 86kg at 113kg sa clean and jerk na kabuuang 199kg ay nagbigay dito ng pangkalahatang ikatlong puwesto para sa tansong medalya.

“Let’s look forward now to the Asian Games next year in Indonesia and Tokyo Olympics 2020. One down. Macrohon competes tomorrow. Hope she gets a medal too. Hidilyn won silver in clean and jerk and bronze for total. Two medals today. Mabuhay! Now she has to work harder again,” sabi ni Philippine Weightlifting Association (PWA) president Monico Puentevella.

Inuwi ni Sopita Tanasan ng Thailand ang tatlong ginto matapos manguna sa snatch sa 96kg at clean and jerk sa binuhat na 114kg para sa kabuuang binuhat na 210kg habang ikalawa si Kristina Shermetova ng Turkmenistan na ikalawa sa snatch sa 91kg at ikatlo sa clean and jerk sa 113kg para sa pangkalahatang nabuhat na 204kg.

Ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist at tanging babaeng Pilipino na nakapagwagi ng medalya sa Olimpiada ay tumapos na ikalawa sa clean and jerk kay Tanasan na nag-angat ng 114kg. Katabla nito si Shermetova sa 113kg subalit mas una na nabuhat ni Diaz ang bigat para masungkit ang pilak.

Nanguna si Tanasan sa snatch sa binuhat na 96kg upang talunin ang naging Rio Olympics gold medalist na si Hsu Shu-Ching ng Chinese Taipei na nag-angat ng 93kg. Gayunman, hindi na nakabuhat si Hsu sa clean and jerk matapos na magtamo ng elbow injury.

Mas mababa naman sa personal na binuhat ni Diaz ang itinala na 86kg sa snatch at 113kg sa clean and jerk para sa kabuuang 199kg.

Si Diaz, na nagwagi rin ng pilak sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games at naghahanda para sa susunod na taon na 18th Asian Games sa Indonesia at makapagkuwalipika sa  2020 Tokyo Olympics kung saan asam nitong putulin ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya.

May personal best si Diaz na 98kg sa snatch na itinala sa 1st Southeast Asian Weightlifting Championship 2016 sa Bangkok, Thailand at 120kg na binuhat sa 2016 Philippine National Games sa Lingayen, Pangasinan. Pinakamataas nito ang kabuuang 213kg na naabot sa paglahok sa Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending