Kathryn pang-best actress ang akting sa La Luna Sangre | Bandera

Kathryn pang-best actress ang akting sa La Luna Sangre

Reggee Bonoan |December 01,2017
facebook
share this

Kathryn pang-best actress ang akting sa La Luna Sangre

Reggee Bonoan - December 01, 2017 - 12:10 AM

KATHRYN BERNARDO

NANANATILING numero uno pa rin sa ratings game ang fantaseryeng La Luna Sangre lalo na ngayong nalaman na ng buong Moonchasers team kung sino talaga si Jacintha Magsaysay, ganu’n din ang La Liga Una.

Base sa datos ng Kantar Media, mas tinutukan ang Power Unlock week na nagsimula nitong Lunes at nakakuha ng national TV rating na 31.4% mula sa pinagsamang urban at rural homes.

Sa naturang episode, nasaksihan ng mga manonood ang pagsusumamo ni Malia (Kathryn Bernardo) sa buwan at paghiling niya na lumakas pa ang kanyang kapangyarihan para tuluyang matalo si Sandrino (Richard Gutierrez) at masagip si Tristan (Daniel Padilla). Tila narinig naman siya nito nang biglang pumula ang kanyang kamao.

Agad na nag-trending sa social media ang emosyonal na monologue ni Kathryn at umani ng samu’t saring papuri sa netizens. Nagkakaisa ang netizens sa pagsasabing deserving si Kathryn na magka-best actress award next year.

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending