Bagong serye nina Sylvia at Arjo top trending topic sa social media | Bandera

Bagong serye nina Sylvia at Arjo top trending topic sa social media

Reggee Bonoan - November 30, 2017 - 12:30 AM


INABANGAN talaga ng mga Kapamilya viewers ang pilot episode ng teleseryeng Hanggang Saan nitong Lunes kaya naman top trending din ito sa social media gamit ang hashtag na #HanggangSaanAngSimula.

Kaya naman panay ang pasalamat ni Sylvia Sanchez sa lahat ng bumati at pumuri sa bagong karakter na ginagampanan niya bilang si Nanay Sonya.

Malalaking eksena agad ang napanood sa unang araw pa lang ng Hanggang Saan lalo na ang piyesta kung saan si Sonya ang naatasang magluto ng mga handa kasama ang mga kaibigan.

Napakanatural ni Ibyang sa eksenang nagluluto siya at may dala-dalang panghalo dahil siyang-siya ito, ganoon talaga siya kapag may handaan din sa bahay nila habang dumadakdak. Ha-hahaha!

Ang gumaganap na batang Arjo Atayde ay si Luke Alford bilang Paco. May sakit pala sa puso ang bata at kailangan nito ng operasyon, at kailangan ni Sonya ng kalahating milyong piso.

Ang ganda ng eksenang litung-lito at hindi na alam ni Ibyang ang gagawin niya kung saan hahagilap ng pera. At sa totoo lang, ganoon din siya sa totoong buhay – kapag may hinahanap o nagmamadali haras na haras ang itsura niya.

Malapit sa karakter niyang Nanay Sonya ang ilang eksena sa pilot episode kaya pakiramdam namin ay hindi na siya nag-effort pang umarte.

Dahil sa matinding pangangailangan ay pinuntahan ni Sonya ang negosyanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon) para bawiin ang hinulog nito sa educational plan ni Paco. Nataon namang said na said na rin ito dahil naloko siya ng kanyang kasosyo sa negosyo.

Nagsusumamo si Sonya kay Edward dahil mamamatay ang anak niyang si Paco kapag hindi agad naoperahan. Ibinigay ni Edward ang mamahaling relo na puwedeng ibenta ng kalahating milyon.

Pero may hininging kapalit si Edward, kailangang barilin siya ni Sonya para ma-claim ang insurance niya at may maiwan sa mag-ina niyang sina Jean Lamoste (Teresa Loyzaga) at anak na si Anna Michelle (Sue Ramirez). Peeo aksidenteng nabaril ni Sonya si Edward.

Dead on arrival si Edward sa hospital kaya nagsabi si Sonya na susuko na siya sa pulis pero may pumigil sa kanya.

Samantala, panay ang pasalamat ng aktres sa lahat ng nakapanood ng unang episode ng Hanggang Saan at loaded din ito ng commercials na umabot sa 15 minutes.

“Maraming salamat po sa suporta’t pagmamahal ninyong lahat!!! Yahoooooo! Happy evening,” ang mensahe ni Ibyang.

q q q

Balik-Pusong Ligaw na si Raymond Bagatsing bilang si Jaime na asawa ni Beauty Gonzales (Tessa/Teri). Pansamantalang nawala ang aktor dahil nagpagaling sa tinamo nitong aksidente nu’ng nagkapalitan sila ng lakas ni Joem Bascon (Caloy).

Maayos na ang samahan nina Caloy at Tessa bilang magkaibigan, nagkakatulungan sila sa negosyo bagay na hindi matanggap ng asawa ng una na si Marga (Bianca King) kaya lagi silang nag-aaway hanggang sa mag-file na ng legal separation ang dalawa at custody ng kanilang anak.

Plano na ring kasuhan ni Marga sina Caloy at Tessa ng pangangaliwa bagay na ikinabaha ng dalawa.
Bukod sa banta ng asawang si Marga ay problemado rin si Caloy dahil may pagbabanta rin sa buhay niya na gawa ni Jaime.

Samantala, selos na selos naman si Potpot/Ira (Diego Loyzaga) kay Rafa (Enzo Pineda) na ngayo’y karelasyon na ni Vida (Sofia Andres) at plano nitong agawin muli ang babaeng minamahal.

Sino kaya ang taong nasa likod ni Marga na nagbibigay sa kanya ng marami pera at sino ang taong nagbibigay ng pondo na ayaw kausapin ni Monique (Miriam Quiambao) na foster mom ni Potpot at may-ari ng opisinang pinapasukan niya bilang manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas titindi pa ang mga kuwentong mabubuksan sa ikalawang yugto ng Pusong Ligaw na napapanood sa Kapamilya Gold pagkatapos ng It’s Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending