Jean inampon ang batang inabandona ng ina
MAY adopted daughter pala si Jean Garcia, ang cute na cute na si Jessica. Anak daw ito ng kanyang kapatid na lalaki pero inabandona ng kanyang ina.
Inaayos na raw ng Kapuso actress ang mga papeles para maging legal na ang pag-ampon niya sa bata.
Sey pa ni Jean, ibang kaligayahan talaga ang naibibigay sa kanya ng mga bata lalo na ngayong may kanya-kanya na ring buhay ang mga anak niya.
“Kasi, di ba? May sariling family na kasi si Jennica, si Kotaro malaki na rin. So, wala na akong mabe-baby sa bahay.
“Tapos dumating nga itong si Jessica sa buhay ko, ang lakas makabata sa akin. Na-miss ko ang may inaalagaan ako na baby kaya ayan, nag-ampon ako ng pamangkin ko. She’s so cute at napakakulit,” kuwento ni Jean.
Samantala, balik-primetime si Jean ngayon, kasama siya sa bagong Kapuso series na Kambal Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Balik din sa pagkokontrabida ang award-winning actress at aminado siyang na-miss niya ang ganitong klase ng role. Aniya, medyo may adjustment ng kaunti dahil nga matagal-tagal na rin siyang hindi gumaganap ng masama sa serye.
Puro mababait ang role niya sa kanyang mga nakaraang serye tulad ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Once Again at The Half-Sisters, “Ang tagal ko kasing hindi nagkontrabida, di ba? Unlike before, magkakasunod siya. E, bigla akong napahinga kaya parang nangalawang ako!” sey ni Jean.
tawa pa niya.
“Kaya super-adjust ulit ako sa pagiging kontrabida. Yung role ko rito, palengkera na mukhang pera.
Walang breeding. Kaya nag-enjoy ulit ako sa pagiging kontrabida ko. Parang bumalik lang ulit si Madame Claudia!” chika pa ng aktres na ang tinutukoy ay ang iconic charater niya sa original version ng seryeng Pangako Sa ‘Yo.
Nagsimula na kagabi ang Kambal Karibal sa GMA Telebabad at nasaksihan na ng mga manonood ang ilang pangunahing karakter sa serye at kung paano tatakbo ang kuwento nito na pinaghalu-halong suspense-horror-drama at may kaunti ring comedy.
Sabi nga nina Miguel at Bianca, kumpletos-rekados ang Kambal Karibal bukod pa ‘yan sa mga magiging eksena nila na talagang ikagugulat daw ng kanilang mga fans.
Bukod dito, ito rin ang magsisilbing comeback series ni Carmina Villaroel sa pagbabalik niya sa GMA 7. Mapapasabak si Mina sa matinding iyakan dito bilang isang inang nangungulila sa namatay niyang anak.
Makakasama rin dito sina Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gloria Romero at Christopher de Leon, Jeric Gonzales, Rafa Siguion Reyna, Sheree, Racquel Montessa, Katrina Halili at Gardo Versoza, sa direksyon ni Don Michael Perez
Tutukan ang pagsisimula ng Kambal Karibal sa GMA Telebabad gabi-gabi pagkatapos ng Super Ma’am. Ito ang pumalit sa nagtapos nang Alyas Robin Hood 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.