DU30 magpapatawag ng special session para sa BBL
INIHAYAG ni Pangulong Duterte na magpapatawag siya ng special session para matiyak ang pagpasa ng panukalang batas kaugnay ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
“But I will now state my conditions. I will work very hard for it. I will ask Congress to a special session just to hear you talk about this in Congress,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa 1st Bangsamoro Assembly sa Old Provincial Capitol, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Tinatayang 9 na sesyon na lamang ang natitira sa Kongreso bago ang Christmas break.
“Now, there are so many drafts coming from Nur (Misuari), coming from Kagi Murad and everybody else, and the scholars, and also UP is coming up with a position paper. Ang akin, it must be inclusive. Lahat. Walang maiwan dito sa peace talks na ito. The MILF (Moro Islamic Liberation Front), the MNLF (Moro national Liberation Front), lahat na, Lumad, kailangan kasali,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending