Mas malaki pang NPA attack inaasahan sa Disyembre –PNP
John Roson - Bandera November 27, 2017 - 04:54 PM
Inaasahan na ang mas malalaki pang pag-atake ng New People’s Army sa susunod na buwan, kaya pinaghahanda ang mga alagad ng batas para mapigilan ito, ayon sa isang police official.
“We are expecting something big on or before December 26 for it is the CPP-NPA’s anniversary, but the PNP is preparing for it,” sabi ni Senior Supt. Rodolfo Castil, direktor ng Negros Occidental provincial police, sa isang kalatas.
Ayon kay Castil, kapansin-pansin ang sunud-sunod na pag-atake ng NPA matapos na ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista.
Pero inaasahan aniya ang mas matindi pang opensiba ng mga rebelde bago ipagdiwang ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
“We cannot give further details but we will always be ready,” aniya pa.
Sa Western Visayas, halos magkakasunod na pananambang ang isnagawa ng NPA laban sa mga pulis sa Negros Occidental, Antique, at Iloilo simula Oktubre.
Isang pulis ang nasawi habang 13 pang alagad ng batas at tatlong sibilyan ang nasugatan sa mga insidente.
Ayon kay Castil, sa kabila ng mga insidente’y di made-demoralize at magpapabaya ang PNP sa Negros Occidental.
Pinanatili pa ang “full alert,” ang pinakamataas na estado ng alerto ng pulisya, sa lalawigan para mapigilan ang mga susunod pang pag-atake ng NPA, aniya. (John Roson)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending