SA halos 18 buwan nasa puwesto ang Duterte administration, ang pag-asang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng Komunista ay uminit. Idagdag ko rito ang nangyari sa bansang Colombia, South Ame-rica na ang 50-taong rebelyon ng Revolutio-nary Armed Forces of Colombia (Farc) ay na-tapos at nagkaroon doon ng lasting peace.
Dito, nag-isyu ng Proclamation 360 si Presidente noong Huwebes na tinatapos bigla ang negosasyon sa pagitan ng magkabilang panig.
Kung sa bagay, parang tubig at langis ang dalawa. Ang gusto ng CPP-NDF-NPA ay “bagong democratic state” at sa mga negosasyon, magkaroon ng coalition government kung saan tuloy ang kanilang revolutionary taxation. Nabigyan ng status of belligerence ang CPP-NPA noong panahon ni FVR kung kailan nabuo ang JASIG na hindi aarestuhin ang mga taong kabilang sa peace negotiations.
Totoong napakahirap magkasundo ang GRP at mga komunista dahil napakalalim at napakalawak ang kanilang mga dahilan. Unang-una, hindi talaga papayag ang gobyerno na merong coalition go-vernment. Ikalawa, hindi rin maaaring magpa-tuloy ang revolutionary taxation. Ikatlo, isinusulong ng gobyerno ang pagpapaunlad ng mga lalawigan pero paanong magtatayo ng negosyo roon nang hindi kakausapin ng NPA?
Paano mo itatayo ang Mindanao railways na magkokonekta sa Davao, Zamboanga, Butuan, Surigao, Cagayan de Oro, Iligan at Gensan na magsisimula sa 2018, kung may problema ka sa NPA?
Paano rin ang mga itatayong riles sa Manila-Nueva Vizcaya, Manila Sorsogon at Manila Batangas. Magbabayad ba ang gobyerno ng revolutionary tax pati na rin ang mga negosyanteng inaakit natin na mag-invest sa mga lugar na iyun?
Paano kang manga-ngalaga ng peace and order kung merong coalition government sa iyong administrasyon?
Sa aking palagay, talagang hindi na maiiwasan ang madugong komprontasyon ng AFP-PNP at mga rebeldeng komunista. Ang sabi ng CPP-NDF-NPA, meron silang 25,000 na mga armadong miyembro, pero ang sabi ng AFP, mga 4,000 lamang ang natitirang NPA re-gulars na karamihan ay nasa Northeastern at Southern Mindanao.
Pero nitong nakaraang linggo nagkaroon ng mga engkwentro ang NPA sa Caranglan, Nueva Vizcaya at sa Batangas-Laguna.
Pero, iba ang lakas ngayon ang military matapos ang liberation ng Marawi. Meron na silang makabagong mga spy surveillance planes kung saan medyo mahihirapang makapagtago ang mga kalaban sa mga kabundukan. Kung darating pa ang bagong 23 “attack helicopters”, totoong mapapalaban ng husto ang mga NPA rebels maging BIFF at iba pa.
Meron ding impormasyon na inaalok ng sweldo at pera hindi lamang ang bawat rebeldeng NPA pati militia o mga sympathizers nila. Isang bagay na pi-pilay sa kanilang mass base kung saan pwede silang magtago o mag-lie low anumang oras.
Doon sa Colombia, ang bawat 7,500 active fighter ng Farc ay tumanggap ng tig 2M Colombian peso o sa a-ting pera ay P39,000 pesos lamang pero may mga negosyong ibinigay doon ag gobyerno. May 50 years sila sa bundok, napagod na siguro, at nakipagkasundo sa kanilang gobyerno. At dahil diyan natamo nila ang lasting peace.
Noong Huwebes, isinarang bigla ni Pres. Duterte ang gripo ng revolutionary tax mula sa mga mining companies. At sinabi niyang hahabulin ang mga bank accounts ng mga “legal fronts” ng mga buwis sa NPA. Ika nga, ito ang mitsa ng gera.
Manahimik o mapagod din kaya ang mga rebeldeng Komunista? O maglalabanan? Aba-ngan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.