Christian Bables humingi ng patawad sa publiko | Bandera

Christian Bables humingi ng patawad sa publiko

Julie Bonifacio - November 25, 2017 - 12:25 AM

CHRISTIAN BABLES

PATULOY ang pambabatikos sa aktor na si Christian Babbles mula sa kanyang detractors dahil sa pag-atras niya sa proyektong “Born Beautiful.”

Kung anu-anong akusasyon ang ibinabato kay Christian sa social media. Kesyo wala siyang utang na loob, walang ethics, lumaki na ang ulo at marami pang masasakit na salita.

Ang “Born Beautiful” ang prequel ng unang proyekto ni Christian sa grupo ng director na si Jun Lana, ang “Die Beautiful.” Siya ang gumanap na Barbs na kaibigang matalik ng bidang karakter sa pelikula na si Paolo Ballesteros.

Napansin nang husto sa indie community, mga kritiko at pati na sa “mainstream” si Christian dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Barbs. Inulan ng mga proyekto si Christian after that mapapelikula man o telebisyon.

Sa Facebook account ni Direk Jun ay nag-post ito ng mensaheng hindi mahalaga sa kanya ang utang na loob at mas importante raw sa kanya ang professionalism.

Matagal na raw kasing tinanggap ni Christian ang “Born Beautiful” pero biglang umatras sa proyekto dahil mas pinaborang gawin ang isang teleserye.

Ayon sa aming source, maayos naman daw siyang nagpaalam kay Direk Jun at humingi ng paumanhin. In fact, nag-post pa si Christian sa kanyang social media account telling how sorry he was na hindi na niya magagawa ang “Born Beautiful.”

Tiniyak naman ng aming source na wala nang aasahang sagot o depensa na lalabas mula kay Christian after his last message.

No amount of explanation or whatever ang dapat pang gawin ni Christian para dinggin ang kanyang panig at malaman ang iba pang detalye ng mga pangyayari. Siya pa rin kasi ang lalabas na masama kahit saang anggulo tingnan. Kaya mas mabuting tumahimik na lamang ang binata.

Pero ayon sa aming source, nagawa na ni Christian at kanyang part and it’s really a management decision which is beyond his control already.

Umaasa na lang daw si Christian sa pagpapatawad at malawak na pang-unawa ng lahat.

q q q

Kung may isang singer naman na hindi pa rin tinatalikuran ang kanyang pagiging aktres until now, yan ay walang iba kundi si Vina Morales. Wala pa ring kupas ang galing niya sa pagdadrama kaya every now and then ay nabibigyan pa rin siya ng serye sa ABS-CBN.

At ngayong gabi nga, muling mapapasabak si Vina sa aktingan sa bagong episode ng Maalaala Mo Kaya.
Gagampanan niya ang papel ng isang butihing maybahay na titiising makasama sa iisang bubong ang kabit ng kanyang asawa.

Si Louise delos Reyes (bilang Ani) ang gaganap na kabit ng mister ni Vina (Cenia) portrayed by Allen Dizon (Dodong).

Masayang namumuhay ang pamilya ni Cenia kasama ang asawa nitong si Dodong at pito nilang mga anak. Unti-unting guguluhin ng bulung-bulungan na nambabae si Dodong ang kanilang pamilya. Hanggang ang mismong panganay na anak pa nila na si Waway (Andrea Brillantes) ang nakudiskubre nito.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Topel Lee at sa panulat ni Benson Logronio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending