Direktor, writer ng ‘Smaller Circles’ handa sa resbak ng Simbahan
HANDA ang director at writer ng pelikulang “Smaller and Smaller Circles,” na sina Raya Martin at Ria Limjap, kung sakaling makatanggap sila ng batikos mula sa ilang taga-simbahan at mga sagradong Katoliko once ipalabas ang movie sa Dec. 6.
Kuwento kasi ang movie ng dalawang Jesuit priests na naatasang solusyunan ang murder ng mga kabataang lalaki na itinatapon ang bangkay sa dump site ng Payatas.
Mula ito sa nobela ni F.H. Batacan na nakuha ang grand prize for English novel sa 1999 Carlos Palanca Awards for Literature. Una itong na-publish ng University of the Philippines Press bilang nobela noong 2002 at nagkaroon ng expanded edition na pang-international ng New York based publisher Soho Press.
Very timely pa rin ang tema ng pelikula dahil kahit 1997 ito nasulat, relevant pa rin ang tema ngayon lalo na’t lumutang ang sunud-sunod na pagpatay sa ilang kabataan. Ayon kay Martin, tutuklasin sa movie kung bakit patuloy pa rin ang ganitong issue makaraan ang dalawang dekada.
“The American journalist James Fallows calls it a ‘damaged culture.’ We never really confronted our issues, we just simply repeat a cycle of violence and denial,” pahayag ni Martin.
Star-studded din ang movie na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board sa pangunguna nina Christopher de Leon, Nonie Buencamino, Sid Lucero, Bembol Roco, TJ Trinidad, Ricky Davao at Carla Humphries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.