Pekeng dokumento hindi na lulusot | Bandera

Pekeng dokumento hindi na lulusot

Susan K - November 24, 2017 - 12:10 AM

MAY mga kababayan tayong OFW na nakalulusot patungo sa ibayong dagat gamit ang mga pekeng dokumento.

Mas kilala pa nga ito sa tawag na “gawa sa Recto”.

Yung iba nakakalusot, yung iba hindi naman. Meron nga, nakakalusot sa ilang ahensiya, pero pagdating sa abroad, hayun, nganga, pauuwiin din.

Ang ilan, ang masaklap pa, ay nakakasuhan bago pa mapauwi sa Pilipinas at wala nang tsansa pang makabalik sa bansang pinanggalingan. Dahil sa kalokohang iyon, forever banned na sila. Blacklisted na.

Marami kasi ang nag-aakala na hindi naman mahuhuli at mabibisto ang bulok na mga estilong ito.

Ngunit dahil sa makabagong teknolohiya, isang click lamang, mabilis nang malaman kung totoo o hindi ang kanilang mga dokumento.

Una, sa pag-aaply pa lamang sa mga embahada o konsulado dito sa Pilipinas, mabilis na nabubuko kung galing Recto ang dokumento dahil konektado ang bawat mga opisina sa isa’t isa at may mabilis na access sa kanilang mga files.

Kaya kahit anong apply ng OFW, hindi na ito makaalis dahil nga peke ang mga papel nito.

Sa pinapanukalang OFW ID system, mahihirapan nang makalusot ang mga ganitong estilo. Malalaman agad kung peke nga ba o hindi ang mga isinusumiteng dokumento tulad ng diploma, training o ilang school certificate.

Sa pamamagitan ng OFW card, maaaring ma-validate online ang naturang mga dokumento at malalaman kaagad kung authentic o hindi ang mga iyon.

Nailunsad na ang ID card system para sa mga OFW. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasimulan ang Integrated Dole System o IDOLE noong Marso at inaasahang makatutulong ito sa mas mabilis na pagpo-proseso ng mga transaksyon ng OFW sa iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno.

Naka-link ang database ng Department of Labor and Employment o DOLE sa database ng Department of Foreign Affairs (DFA), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development (TESDA), at iba pang mga ahensiya.

At may bonus pa! Puwede rin kasing magamit ang OFW Card sa MRT at LRT, puwede ring Debit at ATM Card dahil kasabay ding ilulunsad ngayong 2017 ang OFW Bank, na tinatayang magbubukas sa buwan ng Nobyembre,

Gamit ang OFW ID, mas mabilis na makakapag-transaksyon sa iba’t-ibang bangko ng gobyerno ang ating OFW at may oportunidad din silang mag-invest sa stocks sa mababang halaga lamang na P 1,000.00 per stock ng naturang bangko.

Marami ngang inaasahan ang ating mga OFW ngayong 2017. Marami ring hihintayin ang Bantay OCW sa katuparan ng mga pangakong ito para sa ating mga OFW.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya kung excited kami, tiyak namang mas pinananabikan ito ng ating mga OFW. Anumang bagay kung para naman sa benepisyo ng ating mga OFW, palagi itong magandang balita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending