Mister hiniwalayan; gustong bawiin | Bandera

Mister hiniwalayan; gustong bawiin

Beth Viaje - November 24, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ma’am Beth,

Isa po akong misis na hiwalay sa asawa. Mag-iisang taon pa lang naman po. Napagdesisyunan namin ng asawa ko na maghiwalay na lang kasi hindi na kami nagkakasundo sa maraming bagay.

Bago pa tuluyang pumangit ang relasyon namin, mabuting maghiwalay na para kahit papaano ay may natitira pang konting love and respect sa isa’t isa.

Wala pala kaming anak after eight years naming mag-asawa.

Ang problema ko po ngayon ay kung bakit nang mabalitaan kong may ibang babae na ang mister ko, parang hirap na hirap kong tanggapin iyon. Ang sakit-sakit pala. Bakit siya naka-moved on na, tapos ako parang nagsa-suffer pa rin? Then I realized mahal ko pa pala talaga siya.

Anong gagawin ko ngayon, gusto ko siyang bawiin?

Ana Marie, Pasay City

 

Hi, Ana Marie, ng Pasay City!

Siyempre, hindi naman madaling itapon yung eight years na pinagsamahan ninyo ng mister mo, lalo pa’t umasa ka rito ng forever.

Kaya ok at understandable lang yang nararamdaman mo.

Baka naroroon ka pa rin sa grieving stage kaya syempre masakit. Hindi ka pa umaabot sa healing process.

At sabi mo nga may konti pang love at respect bago kayo naghiwalay. Kaya natural na masasaktan ka.

Gusto mo syang bawiin? Ano yan ‘teh, lollipop na pwede mong padilaan sa iba tapos ipababalik sa iyo…(teka, teka, bumiberde na ang usapan…)

So, yun na nga, kahit bawiin mo siya kung siya naman ay wala na ring nararamdaman para sa iyo, hindi rin magiging OK. Wala ring magiging syasay.

So hayaan na lang. Lilipas din yan.

For the meantime, bangon ka na ‘teh. Don’t dwell on the past.

Magpagpag at magpaganda. Magpaganda lalo. Magpa-seksi. Magpakagaling. Hindi para makahanap ng bagong asawa o BF kundi para mas mahalin mo ang sarili mo. Deserve mo rin namang gumanda dahil sa simpleng dahilang maganda ka. Hayaan mo munang “maglaway” ang mga admirers mo. So spend time with your family, with your girl friends. Go places. Do what you always wanted to do. Samantalahain ang pagiging single (ulet)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I know madaling sabihin yan pero mahirap gawin. Pero mahirap lang sya, hindi imposible.
Tiwala lang, ok?! Keri mo yan, girl friend!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending