Babae binaril ng lover, lalaki nagpakamatay | Bandera

Babae binaril ng lover, lalaki nagpakamatay

John Roson - November 22, 2017 - 04:31 PM
Nasawi ang 35-anyos na babae nang barilin ng kinakasamang lalaki, sa Tanza, Cavite, Martes ng gabi. Matapos iyo’y nagpakamatay naman ang lalaki sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Naganap ang insidente sa bahay ng mag-live in partner na si Roxanne Araga at Erwin Pacumio, 33, sa Brgy. Julugan 5, dakong alas-7:30. Sinabi sa pulisya ng kanilang kapitbahay na nagtalo ang dalawa, at sa gitna noo’y binaril ni Pacumio ang babae. Kasunod noo’y ipinutok din ni Pacumio ang baril sa kanyang ulo at agad na nasawi, ayon sa pulisya. Inaalam pa ang umano’y pinagtalunan ng mag-live in partner at bakit mayroong baril si Pacumio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending