2 opisyal walang ginawa sa APEC sa Vietnam kundi maglamyerda | Bandera

2 opisyal walang ginawa sa APEC sa Vietnam kundi maglamyerda

Bella Cariaso - November 19, 2017 - 12:10 AM

DA who ang dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na walang ginawa kundi mag-shopping at mamasyal sa nakaraang biyahe matapos namang maging bahagi ng delegasyon ni Pangulong Duterte sa nakaraang APEC summit sa Vietnam?

Balitang-balita sa apat na sulok ng Malacanang na umaga pa lamang ay hindi na mahagilap ang dalawang opisyal dahil busy na sa paglalamyerda.

Napakaraming schedule sa APEC pero dahil sa busy sa pamamasyal, tanghali na kung magpakita ang dalawang opisyal sa venue ng summit.

Trabaho ng isa sa kontrobersiyal na upuan ang mga event sa APEC dahil iyon ang kanyang function ngunit walang alam sa mga nangyayari dahil nga iba ang pinagkakaabalahan.

Wala namang business ang isa pang opisyal sa APEC bagamat laging nakabuntot. Ang ginagawa lang ng kontrobersiyal na opisyal ay mambully.

Una nang napaulat na magkasundo ang dalawang opisyal at laging nawawala sa mga event.

Ang dalawang opisyal din na ito ang unang napaulat na nag-abang sa isang opisyal sa isang lobby ng hotel sa isang trip ni Pangulong Duterte matapos mabalitaang namigay ng relo ang host country sa delegasyon ng pangulo.

Lagi kasing missing in action ang dalawang opisyal.

Una nang napaulat na sisibakin na ang kontrobersiyal na kalihim bagamat nananatili pa rin dahil sa kanyang napakalakas na backer.

Ayaw ni Pangulong Duterte ng korupsyon pero puro katiwalian ang ahensiyang nasa ilalim ng opisyal kung saan ubos na ang pondo nito dahil sa hokus pokus na nangyayari sa kagawaran.

Gusto nyo ng clue sa dalawang opisyal?

Mahilig talagang maglakwatsa ang dalawang opisyal.

Sa katunayan, bukod sa laging nakabuntot sa Pangulo, may hiwalay na mga biyahe pa ang mga ito.

Dapat busisiin ng COA ang paggamit ng pondo ng dalawang opisyal lalu na ang kontrobersiyal na kalihim.

Heto pa ang clue, parehong tinatrabaho ng dalawang opisyal ang mainstream media, bagamat hayagang pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang media sa tagumpay ng nakaraang Asean summit.

Hindi ba’t gumawa pa ng eksena ang isa sa dalawang opisyal sa nakaraang summit kung saan ipinahiya si Digong sa mga bisita ng Pilipinas?

Ewan lamang kung hindi nakakarating kay SAP Bong Go ang mga alingasngas ng dalawang opisyal para maibulong kay Digong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gets nyo na ba ang dalawang opisyal na tinutukoy ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending