Sara Duterte kay Mariel De Leon: Insecure agad? Di ba pwedeng maldita lang tulad mo?!
SUPALPAL si Bb. Pilipinas International Mariel de Leon kay Davao City Mayor Sara Duterte. Mukhang walang planong tumahimik ang Presidential daughter sa bangayan nila ng beauty queen.
Nagkasagutan ang dalawa matapos magpahayag ng kanyang saloobin si Mayor Sara tungkol sa pagkatalo ni Mariel sa kakatapos lang na 2017 Miss International.
Sa kanyang social media post tila masaya pa ang anak ni Pangulong Duterte sa pagkatalo ni Mariel. Kasabay nito, sinabi rin ng alkalde na meron siyang hindi kagandahang na-experience noon sa dalaga.
Hirit pa ng mayor, marahil ay nakarma lang si Mariel dahil sa mga kanegahang pinagsasasabi nito laban sa kanilang pamilya, lalo na kay Pangulong Duterte.
Hindi man pinangalanan ni Mariel, naniniwala ang netizens na para kay Inday Sara ang tweet nitong, “If another person’s ‘misfortune’ pleases you, it just shows how insecure and unhappy you are with your life.
“It’s okay, maybe one day you’ll be truly happy? I’m sending you good vibes and prayers!” sabi pa ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Dahil dito rumesbak uli si Mayor Sara, “Nase-schadenfreude kami, insecure at unhappy agad, di ba pwedeng tulad mo ay sadyang maldita lang talaga kami. Ano ika-insecure sa talo mo?
“Pinili ko maging lawyer hindi beauty queen at naipasa ko ang bar exam ng isang take lang.
“Ikaw ilang beses ka nga ba natalo? At take note, pareho tayo mataba, wala ka lamang jan. Juicekow.”
Hirit pa ng alkalde laban kay Mariel, “’Di kami insecure at unhappy, that’s your freudian slip about your schadenfreude moments.
“Nase-schadenfreude lang kami kasi we are born pala-away, lalo na kapag inuunahan kami.
“Nakita mo yung kadami ng camera sa SMX, lahat yun recording with your comments and you making faces. Lols.”
Ang “schadenfreude” ay isang German word na ang ibig sabihin ay ang pagiging maligaya raw ng isang tao kapag may mga nahihirapan o nagdurusa.
Ayon naman sa ilang netizens, sana raw ay hindi na pinatulan ni Mayor Sara ang anak nina Boyet at Sandy. Parang hindi raw tama na ang isang mayor ay nakikipagtalakan sa tulad ni Mariel.
Pero sey naman ng mga maka-Duterte, tama lang daw na sagutin ni Sara si Mariel para maturuan ito ng leksyon. Masyado na raw kasing maepal at sukdulan na ang pagiging sawsawera ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.