BUMULAGA sa libo-libong pasahero ang sirang tren sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) kaninang umaga.
Base sa MRT-3 service report, huminto ang isang tren dahil sa “technical problem” ganap na alas-9:04 ng umaga, dahilan para pababain ang libo-libong mga pasahero sa Santolan Annapolis sa southbound station.
Naging araw-araw na ang nararanasang aberya sa MRT-3.
Noong Huwebes, humiwalay ang isang bagon ng tren sa pagitan ng Buendia station at Ayala station, na naging dahilan para maglakad ang dose-dosenang pasahero sa kahabaan ng riles.
Bagamat walang nasugatan sa pangyayari, umani naman ito ng pagbatikos sa maramig mambabatas at sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.