Kinarma sa Miss International: Mariel de Leon isinumpa ng mga bakla kaya umuwing nganga | Bandera

Kinarma sa Miss International: Mariel de Leon isinumpa ng mga bakla kaya umuwing nganga

Cristy Fermin |November 16,2017
facebook
share this

Kinarma sa Miss International: Mariel de Leon isinumpa ng mga bakla kaya umuwing nganga

Cristy Fermin - November 16, 2017 - 12:05 AM

GRABE ang pang-iinsultong tinatanggap ngayon ni Mariel de Leon, ang kinatawan natin sa katatapos lang na Miss International, na hindi man lang pinalad na mapabilang sa Top 15.

Sa halip na malungkot ang mas nakararami nating kababayan sa pagkabigo ng dalaga ay puro pintas pa ang inaabot niya ngayon. Mukhang napabayaan daw kasi sa kusina si Mariel kaya namumutok ang kanyang katawan nang iparada na niya ang kanyang katawan sa entablado na naka-swimwear.

Lahat ng pisikal na pamimintas ay ipinatitikim ngayon kay Mariel, siya lang ang beauty queen na ginanito ng ating mga kababayan, dahil kapag natatalo ang Pinay sa ganitong labanan ay binibigyan ng pag-asa ng mga Pinoy ang ating kalahok.

Hindi nakaganda para kay Mariel ang madalas niyang pagbibitiw nu’n nang maaanghang na salita kapag nakikisawsaw siya sa maraming isyu ng bayan.

Lalo siyang pinupog nang magkomento siya tungkol sa paksa ng depresyon na ipinanghingi na ng tawad sa publiko ni Joey de Leon.

Maraming becki ang nagalit sa kanya, para siyang isinumpa ng mga ito na matatalo sa lalabanan niyang beauty pageant, nagdilang-anghel ang mga hindi nagkagusto sa pagiging brutal ni Mariel de Leon sa pagkokomento sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending