Franco Hernandez nabiktima rin ng mga balasubas na netizen | Bandera

Franco Hernandez nabiktima rin ng mga balasubas na netizen

Jun Nardo |November 14,2017
facebook
share this

Franco Hernandez nabiktima rin ng mga balasubas na netizen

Jun Nardo - November 14, 2017 - 12:20 AM

KUMALAT na rin sa social media ang picture ng namatay na Hashtag member na si Franco Hernandez na nasa loob ng ataul. Ganyan din ang ginawa ng mga bastos na netizen nang ikalat ang picture ni Isabel Granada sa loob ng coffin niya.

Isang @benjmanalo_manalo ang nakiusap na tigilan na ang posting ng photo ni Franco na nasa kabaong.

Ayon sa ilang nakabasa ng tweet niya, kasama sa Cornerstore Entertainment si Manalo.

“Hi guys. I would like to personally ask a small favour from you guys to please stop posting Mico’s (Franco) pictures sa casket niya in respect nalang sa family. Hindi po tayo nag uunahan ng post dito. Sana prayers na lang sa kapatid ko. Thank you,” tweet ni Benj.

Nangako naman sa kanya ang ilang fans ng Hashtag na tutulong upang maawat ang pagkalat ng picture na ‘yon ni Franco. Maging ang management company niya ay nagsabing i-report ang tweet na ‘yon kapag pumasok sa kanilang timeline.

Samantala, ang girlfriend naman ni Franco, si Janica Nam, na kasama nu’ng mamatay ang BF ay nag-post naman ng mga huling sandali nila habang nasa dagat, “I want all of my lasts to be with you,” caption ni Janica habang kahalikan ang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending