8 Abu sumuko sa Sulu | Bandera

8 Abu sumuko sa Sulu

John Roson |November 12,2017
facebook
share this

8 Abu sumuko sa Sulu

John Roson - November 12, 2017 - 04:09 PM
Sumuko ang walong kasapi ng Abu Sayyaf sa mga tropa ng pamahalaan sa Talipao, Sulu, nitong Sabado, at nagsuko rin ng sari-saring baril, ayon sa militar. Nagsisuko sina Rakib Usman Mujakkil, 35; Sadhikal Sabi Asnon, 38; Jarrain Elil, 52; Wahab Buklaw, 47; Anggan Ali Sahaw, 43; Bandi Ahadjula, 56; Adih Manis Juhaini, 25; at Alden Banon, 30, sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu. Ang walo ay pawang mga “remnant” ng grupo ng napatay na Abu Sayyaf sub-commander na si Alhabsy Misaya, ani Sobejana. Sumuko sila sa mga miyembro ng Army 2nd Special Forces Battalion sa Sitio Bayug, Brgy. Samak, pasado alas-7, dala ang dalawang M16 rifle, isang M14 rifle, at limang M1 Garand rifle, aniya. Bunga ng patuloy na focused military operations, intelligence, at civil-military operations ng task force ang pagsuko, ani Sobejana. Patuloy na tatanggap ang mga unit ng JTF Sulu ng mga kasapi ng Abu Sayyaf na nais sumuko, bilang bahagi ng mga programang pangkapayapaan sa lalawigan, aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending