Pakikiramay bumuhos para sa nasawing Hashtag member Franco Hernandez | Bandera

Pakikiramay bumuhos para sa nasawing Hashtag member Franco Hernandez

Ervin Santiago, John Roson |November 11,2017
facebook
share this

Pakikiramay bumuhos para sa nasawing Hashtag member Franco Hernandez

Ervin Santiago, John Roson - November 11, 2017 - 11:30 PM

BUMUHOS ang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng Hashtag member na si Franco Miguel Hernandez, na nasawi matapos mahulog sa bangka at malunod sa dagat na sakop ng Don Marcelino, Davao Occidental Sabado ng hapon.

Kaliwa’t kanan ang mga mensahe sa social media mula sa mga kaibigan at mga fans ng Hashtag member matapos makumpirma ang pagpanaw ng binata.

Si Franco, 26, ay miyembro ng Hashtag na regular na napapanood sa Showtime ng ABS-CBN.

Ayon sa report ng pulisya, ala-1 ng hapon nang pumunta sa white sand beach sa North Lamidan, Don Marcelino ang grupo ni Franco.

“Accordingly sa kasama niya at sa bangkero mga ala-1 pumunta sa white sand beach sa North Lamidan, Don marcelino, tapos mga alas-3 ng hapon, napansin ng bangkero lumalaki alon, nagdecide siya umuwi sa resort while nasa biyahe sila,” ayon sa kuwento ni PO2 Rolly Conat.

“Medyo malalaking alon na tumama sa bangka, napasukan ng tubig bangka nila, nung napasukan ang bangka, nag-advise ang bangkero na magdismebark sila, para di lumubog bangka, pero kapit lang.  Nung nakakapit, si Franco at kasama na isa nakabitiw.

“Nung nakita ng bangkero nilangoy niya at sinave yung 2, nung nahawakan niya yung 2 tao, dinala sa baybayin, pero si Franco unconscious na, nirevive ng bangkero, unconscious pa rin, dumating mga kasamahan ni franco, first aid din, tapos dinaala sa Malita, Estacion Clinic, pasado alas-7, DOA (dead on arrival) na,” kuwento ng pulis.

Ayon pa kay Conat, si Ramil Mosqueda ang nag-report sa pulisya ng insidente.  Hindi kasama si Mosqueda sa bangka.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending