Aktres hiniwalayan ang BF na aktor, di kinaya ang pagseselos | Bandera

Aktres hiniwalayan ang BF na aktor, di kinaya ang pagseselos

Cristy Fermin |November 10,2017
facebook
share this

Aktres hiniwalayan ang BF na aktor, di kinaya ang pagseselos

Cristy Fermin - November 10, 2017 - 12:10 AM

HINDI pa man sila pormal na umaamin ay napapabalita na namang hiwalay na ang isang sikat na aktor at ang kanyang girlfriend na young actress. Sariwang-sariwa pa lang daw ang kanilang hiwalayan ayon sa aming mga impormante.

Ayon sa kuwento ay hindi na natagalan ng female personality ang sobrang kahigpitan ng kanyang boyfriend, sobra na raw siyang nasasakal, kaya mas mabuti nang makipagkalas na lang siya sa sikat na aktor.

Kuwento ng aming source, “Matagal nang kuwento ‘yung maraming bawal sa kanya bilang artista, di ba? Kahit kailangang magyakapan sila ng kaeksena niyang lalaki, e, hindi niya puwedeng gawin ‘yun, dahil siguradong magagalit ang boyfriend niya.

“Ang palagi raw kasing sinasabi sa kanya ng guy, e, siya ang artista, kaya siya dapat ang masusunod sa mga eksenang dapat niyang gawin. Siya raw dapat ang nagsasabi sa production na hindi puwede, dahil ‘yun nga ang mangyayari, mag-aaway sila!

“E, hindi niya naman kasi kasingsikat ang girl. Siya, e, puwede niyang gawin ang ganu’n dahil hindi naman siya artista sa project na ginagawa niya, may kinalaman talaga siya sa production, kaya puwede siyang magmando at tumanggi sa eksenang ayaw niyang gawin!

“E, nasa ganu’ng position na ba ang girl? Artista lang naman siya, hindi rin siya sobrang sikat para magsabi sa production staff na ayaw niyang gawin ang isang eksenang ayaw niya.

“Sa kahigpitan ng lalaki sumusuko ang girl! Ni hindi nga siya makapag-join sa mga friends niyang lumalabas para naman makapag-bonding sila out of work. Nu’ng minsan siyang sumamang makipag-dinner sa mga kasamahan niyang artista, e, inorasan pa siya ng BF niya!

“Ang tanong sa kanya, e, gaano raw ba karami ang pinagsasaluhan ng grupo nila at hindi pa siya umuuwi? Talagang bantay-sarado siya, pero ayaw namang umamin ng guy na sila na, ano naman kaya ‘yun?

“Kaya Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi naman kayo mga probinsiyana at probinsiyano para hindi n’yo pa mahulaan kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito!” mahabang kuwento at pagtatapos na rin ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending