KathNiel hinimok ang mga Pinoy na mag-donate ng dugo | Bandera

KathNiel hinimok ang mga Pinoy na mag-donate ng dugo

Reggee Bonoan - November 09, 2017 - 12:01 AM

SINA Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nanguna sa isinagawang blood-letting event na ginanap noong Linggo sa Philippine Red Cross headquarters kasabay ang 23 iba pang blood donation drive nationwide na inorganisa mismo ng KathNiel fans.

“May shortage talaga ang bansa sa dugo. May mga cases na rin kaming naririnig na nahihirapan sila na kumuha ng dugo. Kaya sana kahit hindi ngayong araw ay makapagbigay kayo ng dugo para makatulong sa ating kapwa Pilipino,” ani Daniel.

Matagumpay na nakakalap ang event ng 50,000 cc ng dugo. Bukod sa blood-letting, kinuha rin nina Kathryn at Daniel ang oportunidad para pag-usapan ang kanilang cyberbullying advocacy bilang CyberSmile ambassadors.

Idiniin ng dalawa ang kanilang panawagan na itigil na ang online bashing at sinabing dapat manindigan ang bawat isa sa atin kontra dito.

Samantala, patuloy sa pamamayagpag ang La Luna Sangre bilang isa sa mga top rating primetime serye ng bansa.

Nasaksihan nga ng mga manonood ang pagtigil ng tibok ng puso ni Tristan (Daniel) matapos siyang bigyan ng virus ni Prof T (Albert Martinez). Pinatay na rin ni Sandrino (Richard Gutierrez) ang kapatid niyang si Samantha (Maricar Reyes) matapos silang traydurin nito.

Ano nga ba ang misteryong bumabalot kay Tristan? Ano kaya ang ugnayan nina Tristan at Sandrino sa isa’t isa?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending