Misis ng pinatay na driver ng Grab sa suspek: Bakit mo ginawa yun sa asawa ko? | Bandera

Misis ng pinatay na driver ng Grab sa suspek: Bakit mo ginawa yun sa asawa ko?

- November 08, 2017 - 02:45 PM

“Bakit mo ginawa ‘yun? Alam mo gusto n’ya bumalik sa pamilya n’ya diba?”

Ito ang sinabi ng misis ng pinatay na driver ng Grab na si Gerardo Maquidato Jr. matapos makaharap sa Camp Crame.

“Nagpipilit syang kumawala sayo eh, bakit mo ginawa yun sa asawa ko?” dagdag ni Brenda habang kinakausap ang suspek na si Narc Tulod Delemios matapos iprisinta ng Philippine National Police (PNP) National Headquarters sa Quezon City.

Sumuko si Delemios sa Pasay City Police Station Martes ng gabi.

“Humihingi po ako ng patawad sa pamilya. Pera lang po ang habol ko pero lumaban po siya kaya ko po nagawa yung krimen,” sabi ni Delemios.

Narekober din ang Toyota Innova ng biktima sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Bago ang kanyang pagkakaaresto, may nakabinbin na warrant of arrest na laban kay Delemios sa pagpatay sa isang Gino Balbuena noong Oktubre 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending