Nangangarap yumaman | Bandera

Nangangarap yumaman

Joseph Greenfield - November 06, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Winnie ng Luyag, Carmen,
Cebu City
Dear Sir Greenfield,
Maliit na bata pa lang ako ay pangarap ko ng yumaman, kaya naman nagsikap akong makatapos ng kolehiyo sa sarili kong kayod. Ang problema ng nag-asawa na ako, ay nakapangasawa ako ng isang lalaking walang pa-ngarap at iresponsable sa buhay. Sa ngayon nagta-trabaho ko sa isang pawnshop habang walang permanenteng trabaho ang mister ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa buhay ko kung paano ko maitataguyod sa kolehiyo ang aming mga anak. Sana malaman ko kung sa ganitong uri ng a-ming buhay may pag-asa pa kaya kaming yumaman? Sa ngayon nag-aaplay ang mister ko sa abroad, hindi ko alam kung matutuloy siya. May 5, 1983 ang mister ko at January 8, 1984 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Winnie ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Negosyo sa i-yong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin kung bibigyan ka lang ng pagkakataon na magkaroon ng puhunan at makapagnegosyo, tiyak ang magaganap sa pamamagitan ng pagtitinda, yayaman kayong mag-asawa
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Jack of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi mo dapat maliitin ang kakayanan ng iyong asawa, sa halip ang mas dapat ay i-encourage mo siya. Sa ganyang paraan tiyak ang magaganap, kapag na bigyang encourage mo ang iyong mister, sa taong 2024, sa edad mong 40 pataas, magsisimula na kayong maka-ahon sa kahirapan hanggang sa tuluyang yumaman.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending