Libo-libo dumalo sa ‘Start the Healing’ rally sa Edsa | Bandera

Libo-libo dumalo sa ‘Start the Healing’ rally sa Edsa

- November 05, 2017 - 07:00 PM

UMABOT sa 20,000 katao ang dumalo sa pagtitipon sa People Power Monument matapos ang panawagan ng Simbahan para sa “Start the Healing” ng bansa.
Pinamunuan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang misa sa makasaysayan Edsa Shrine.
Ang kampanya ay bahagi ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na itigil na ang mga pagpatay sa bansa.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ay sina Sen. Franklin Drilon at Sen. Bam Aquino, dating Bayan Muna representatives Neri Colmenares at Teddy Casiño, at dating Presidential spokesperson Edwin Lacierda.
“Kapag hindi natin itinigil ang patayan, may sumpang parusa ang bayang pumapatay sa sariling kababayan,” sabi ni Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang homily.
Muling iginiit din ni Villegas na itigil na ang mga pagpatay para simulan ang “healing” sa bansa.

“Walang gobyernong forever. God lang ang forever. Power belongs to the people not the power-holder,” ayon pa kay Villegas.
Binigyan din ni Villegas ng pagpupugay ang mga biktima ng umano’y extrajudicial killings sa bansa, kabilang na ang 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

“Kung totoong drug users kayo, tama na at magbago. May bukas pa,” sabi pa ni Villegas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending