Rico J: hinulaan ako noon, may mangyayari sa akin, akala ko mababaril ako! | Bandera

Rico J: hinulaan ako noon, may mangyayari sa akin, akala ko mababaril ako!

Ervin Santiago - November 05, 2017 - 12:05 AM

RICO J. PUNO

KUNG may isang OPM icon na maaaring tawaging “timeless” yan ay walang iba kundi ang tinaguriang Total Performer na si Rico J. Puno.

Imagine 40 years na sa music industry si Rico J pero hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanyang career. At in fairness, timeless din ang kanyang mga kanta dahil until now ay naririnig pa rin natin ang mga ito sa radyo at sa mga videoke session.

Ayon kay Rico J, kakaiba talaga ang f eeling kapag naririnig niya ang kanyang mga awitin sa radyo at sa telebisyon, lalo na kapag kinakanta raw ng mga contestants sa mga singing contest.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang veteran singer-comedian sa presscon ng kanyang susunod na major concert, ang “Tatak Rico J: A Tribute To 40 Years Of The Total Entertainer”.

Nagsimula ang singing career ni Rico J noong 1975 nang ma-discover siya ng Vicor Records at ipag-produce ng kanyang first album. At noong sumunod na taon, nanalo agad siya sa Aliw Awards bilang most promising entertainer.

Mas lalo pa siyang sumikat nang ilabas ang version niya ng “The Way We Were” na nilagyan niya ng Tagalog lyrics tungkol sa pamamasyal sa Luneta nang walang pera. Mula noon nagsunud-sunod na ang kanyang mga hits, kabilang na ang “May Bukas Pa”,”Lupa”, “Buhat”, “Kapalaran”, “Macho Gwapito”, “Damdamin” at “Ang Tao’y Marupok”.

Nakagawa rin pala ng mga pelikula noon ang OPM legend, kabilang na ang “Bawal Na Pag-Ibig” kasama si Alma Moreno (1977), “Wow, Sikat, Pare Bigat” at “Silang Mga Mukhang Pera” kasama si Nora Aunor.

At ngayon ngang magse-celebrate na siya ng kanyang ika-40 taon sa mundo ng showbiz, magkakaroon nga siya ng concert sa Solaire Theatre na magaganap sa Dec. 2, 8 p.m..

“Sabi ko sa kanila, tribute ba to? Kasi ayoko ng tribute. Noong mag-concert si Rey Valera na tribute daw, sabi ng anak ko, bakit, patay na ba siya? Kaya ayoko ng tribute. Hindi raw, concert lang talaga,” natatawang kuwento ni Rico J.

Ayon pa sa veteran singer, magsisilbi na ring thanksgiving ang nasabing concert matapos siyang mabigyan ng second life after ng matagumpay niyang heart surgery.

“Two years ago, nagte-taping ako sa ABS, biglang hindi na lang ako makahinga. Na-triple bypass ako, naka-P4 million din ako nu’n kasi I had a total of 12 doctors sa Makati Med and Asian Hospital. Nu’ng operation, may inilagay silang tube sa lalamunan ko, tapos nu’ng hilahin nila, parang may tinamaan at naapektuhan ang boses ko.

“I had to undergo therapy para bumalik siya. But it’s worth it. Kaya talagang nagpapasalamat ako sa Diyos for this second chance, na makasama ko pa ang pamilya ko, ang mga anak at apo ko at makapag-perform pa para sa mga tao,” aniya pa.

“Saka kung hindi gusto ng Diyos ‘yun, siguro wala na ako. Kasi noon, hinulaan na ako, eh. Na may mangyayari sa akin, akala ko nga, mababaril ako. Pero ‘yun pala yun, sa puso,” pahayag niya.

Nang tanungin kung medyo naging maingat na ba siya sa kanyang pagpe-perform lalo na sa kanyang mga green jokes? Tugon ni Rico, “I tried, pero parang magkakasakit ako. Ha-hahaha! Tsaka hinahanap din ng audience. When I perform, I play it by ear at inaabangan talaga ng audience ang sexy jokes.”

Makiki-party din sa “Rico J. Puno, 40 Years of the Total Entertainer” sina Willie Revillame, Ogie Alcasid, Randy Santiago, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Gloc 9, Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at marami pang surprise guests. Magsisilbi namang musical director si Louie Ocampo at stage director naman si Rowell Santiago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Available na ang ticket sa Solaire Box-Office, Ticketworld (891-9999) at SM Tickets (470-2222). For more information, log on lang kayo sa www.StarmediaEntertainment. com. Ang “Tatak Rico J” ay presented ng Star Media Entertainment with Solaire Resort & Casino and for the benefit of PNP-PCRG’s Community Outreach Programs and sponsored by Amber Restaurant, Studio 69 at Crossover 105.1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending