Miguel, Bianca bibida sa seryeng ‘Santa Santita’ ng GMA

By Jun Nardo November 03,2017
share this

Miguel, Bianca bibida sa seryeng ‘Santa Santita’ ng GMA

By Jun Nardo November 03,2017
share this

KASADO na ang ilang 2018 shows ng GMA. Wala nang matatapos na program sa hapon at sa gabi dahil lahat ng ito ay extended hanggang next year.

Unang inanunsyo ang pagsasama nina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos sa Maryo delos Reyes series na The One That Got Away. Si Dennis Trillo ang bidang lalaki rito kasama ang mga baguhang sina Migo Adecer, Ivan Dorschner at Jason Abalos.

Nagkaroon na rin ng story conference ang bagong series nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, ang Santa-Santita. Nasa cast sina Gloria Romero, Carmina Villaroel, Jean Garcia, Marvin Agustin, Alfred Vargas at Christopher de Leon.

Namamayagpag pa rin sa ratings game ang afternoon programs ng GMA na Ika-6 na Utos, Impostora at Haplos kaya hindi pa ito matitinag!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending