PATAY ang dalawang sakay ng motorsiklo, samantalang sugatan naman ang 15 iba pa sa anim na magkakahiwalay na aksidente sa Pangasinan sa bisperas ng Undas kahapon.
Hindi na umabot ng buhay si Michael John Tuliao, 31, sa osipital matapos mabangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa northbound lane ng national highway sa Barangay San Miguel sa bayan ng Calasiao ng isa pang motorsiklo na binabagtas ang kabilang direksyon ganap na alas-11:20 ng gabi.
Sugatan naman ang driver ng isa pang motorsiklo na si Jose De Vera Jr., 27, at kanyang angkas na si Merlo De Nieva, at kapwa ginagamot sa isang ospital.
Ganap na alas-10:20 ng gabi sa bayan ng Pozorrubio, nabangga naman ang nagmomotorsiklo na si Roldan Emperador ng isang Jeep Grand Cherokee Wagon habang binabagtas ang Manila North Road sa Barangay Palacpalac.
Sinabi ng pulisya na tinangka ng driver ng wagon na si Ferdinand Rafael, 51, ang isang trak sa pamamagitan ng pagsu-swerving sa kaliwa, dahilan para mawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan at mabangga ang motorsiklo ni Emperador.
Sa bayan ng Sual, sugatan ang anim na katao, kasama na ang tatlong-anyos na batang babae matapos magbanggaan ang dalawang tricycle sa makipot na daan sa Barangay Santo Domingo ganap na alas-7:10 ng gabi.
Ginagmaot ang driver ng mga tricycle na sina July Diaz, 32, at Leonides Villarda, 50, at kanilang mga pasahero na sin Rommel Cabungason, 43, Erlinda Villa, 54, Reyjell Villarda, 24, at Rinalyn Villarda, 3, sa isang ospital sa Alaminos City.
Sa bayan ng Mapandan, nagtamo ng pinsala sa ulo ang sakay ng motorsiklo na si Marco Valdicandi, 29, matapos bumangga sa isang bisikleta sa Barangay Pias ganap na alas-10:45 ng gabi.
Nagtamo rin ng mga sugat ang driver ng bisikleta na si Hector Reyes, 50, at anak na lalaki na si Andry James Reyes, 11.
Sa bayan ng Infanta, sugatan ang driver ng tricycle na si Conrado Arig, 53, at nagmomotorsiklo na si ichard Martinez, 18, at kanyang sakay na si Cegie de Guzman, 16, nang nagbanggaan ang kanilang sinasakyan sa Barangay Cato ganap na alas-2:20 ng hapon.
Sugatan ang isa pang nagmomontorsiklo matapos mabangga ng isang kotse sa Barangay Amamperez sa bayan ng Bayambang ganap na alas-11:55 ng gabi.
Nasugatan si Calvin Tamondong, 32, sa kanyang binti at ginagamot sa isang ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.