3 mandirigma nabiyayaan ng house & lot sa Wowowin | Bandera

3 mandirigma nabiyayaan ng house & lot sa Wowowin

Cristy Fermin - October 29, 2017 - 12:10 AM

INIYAKAN ng sambayanang Pinoy ang dalawang araw na sultada ng programang Wowowin ni Willie Revillame. Komento sa amin ng isang kaibigang abogado, “I did’t cry a river, I cried an ocean! Sobrang iniyakan ko ang ginawang pagrespeto at pagbibigay-halaga ni Willie Revillame sa mga sundalo at pulis nating nakipaggiyera sa Marawi.”

Dalawang episodes ‘yun ng Wowowin na talagang tinutukan ng mga kababayan natin dito at sa iba-ibang bansa man. Ibang klase nga naman si Willie, pagkatapos makipaglaban nang limang buwan sa giyera ang ating mga kapulisan at kasundaluhan ay kaligayahan naman at pagpupugay ang sorpresang ibinigay niya sa magigiting na kalalakihan, kaninong puso nga ba naman ang hindi susuntukin nu’n?

Habang binubuo ang konsepto ng pagbibigay-halaga sa mga sundalo at pulis ay tinawagan ni Willie Revillame ang palagi niyang katuwang sa pagpapasaya sa ating mga kababayan. Sina dating Senador Manny Villar at Senador Cynthia Villar.

Hindi nagdalawang-salita si Willie sa kanyang hiling, agarang ipinahanda ng mag-asawang senador ang tatlong house and lot mula sa kanilang kumpanyang Bria Homes na kapatid ng kilalang-kilala nang Camella Homes.

Tatlong mapapalad na unipormadong mandirigma ang nanalo ng house and lot mula sa Bria Homes, sina Piccolo dela Cruz ng Malabon, Fernando Julian ng Pangasinan at Jesus Pancho III ng General Trias, Cavite.

Napakatindi ng kumbinasyon ni Willie Revilalme at ng mag-asawang senador, ilang taon na silang tumutulong at nagpapasaya sa ating mga kababayan, hindi mapapantayan ang kagandahan ng kanilang kalooban na ramdam na ramdam sa harap at likod ng mga camera.

Sabi ni Willie, “Hindi ako kailanman tinanggihan nina Senator Manny at Senator Cynthia Villar basta para sa mga kababayan na natin ang inilalapit ko sa kanila. Sila ang tunay na partners ko sa pagpapaligaya sa mga kababayan natin, wala nang iba.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending