Eugene nagpapakaligaya sa Europe sa kandungan ng Italian boyfriend
TAILLINE to a colleague’s tabloid column (not here in BANDERA) reads: “Tantanan n’yo na siya!”
The “siya” refers to Mrs. Dantes in the wake of reports that her quirky work habits have resurfaced habang ginagawa nito ang kanyang fantaserye na hindi makaala-alagwa sa ratings (which is no surprise!).
The cardinal rule in media ethics is that masagwang banggain ang isang kabaro.
Without naming names ay alam namin—in our spleen of spleens—na ang panawagan na ‘yon ay directed sa mga kapwa manunulat—myself included (o baka nangunguna pa nga kami sa listahan)—na malimit birahin ang aktres.
Simple lang naman ang ugat ng kuwento na aming isinulat not only here but also in two other dailies na pinagsusulatan namin.
Ang source namin ay mismong mga taga-GMA particulary our former co-workers na sumusumpang kapag wala raw sa mood si Mrs. Dantes ay ipinapa-pack up niya ang taping ng kanyang teleserye.
Hindi na raw bago ang gawain niyang ‘yon. In fact, noong umeere pa ang kanyang self-titled nondescript evening program ay meron na siyang ganoong work habits.
Pero may mabilis na dumepensa sa kanya, ‘yun ngang kapwa manunulat na nag-iwan pa ng panawagan na tigilan na raw ang aktres. Short of saying na salat sa katotohanan ang aming naisusulat (excuse me, we’re no merchandiser of fake news!).
Mas mabuti sigurong magsaliksik ang kolumnistang ‘yon para hindi siya basta-bastang nagtatanggol sa kanyang “kliyente.” Reporter siya, ‘di ba? It’s best na paganahin niya ang kanyang five senses para malaman kung totoo o peke ang balitang sa mismong mga taga-GMA na nanggagaling.
Our sources have no axe to grind against Mrs. Dantes. Nagtatrabaho lang sila in the same way na nagtatrabaho’t nagtatawid lang kami ng balita which we suppose is close to the truth at hindi gawa-gawa lang, and our sources, credible enough.
Pinakamainam diyan ay magpatawag mismo si Mrs. Dantes ng general presscon para marinig mula sa kanya ang katotohanan (magsabi naman kaya ng totoo?).
Tuhog event na rin ang presscon na ‘yon para maisulat ng mga iimbitahang members of the press nang sa gayo’y magkaroon ng awareness ang publiko na meron pala siyang palabas!
Let’s face it, napakaambisyosa naman kasi ng tinaguriang Primetime Queen kuno ng GMA to pit her show against ABS-CBN’s Ang Probinsyano.
Sabihin na nating nakakasawa na rin kadalasan ang pilit na pinapahabang kuwentong sinusuong ni Cardo ay hindi pa rin ito malubayan ng mga manonood sa primetime.
At kung totoo ngang inaatake ng bad mood si Mrs. Dantes dahilan para ma-pack up ang taping ay nauunawaan namin ‘yon.
Ikaw na ang gumanap ng dalawang karakter, ikaw na ang mag-um-effort nang bonggang-bongga pero nganga ka pa rin sa ratings, sino ba naman ang gaganahang magtrabaho?
Common sense.
q q q
Ito na yata ang most stress-free time sa buhay ni Eugene Domingo as host of her weekly Celebrity Bluff.
While currently on European tour with her Italian beau of one year na si Danilo Botonni ay wala siyang iintindihing trabahong naiwan sa bansa.
Kasado na kasi ang ilang episodes ng Celebrity Bluff tulad ng mapapanood ngayong gabi. Trying their luck para kunin ang half a million pesos na jackpot prize ay ang mag-asawang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan, Benjamin Alves at Maxine Medina at Solenn Heussaff at James Blanco.
“Gimik guest” Super Tekla joins the set of comedic bluffers led by Edu Manzano kasama sina Isko “Brod Pete” Salvador at Donita Nose.
For all the hard work she invests ay karapatan lang ni Uge na i-pamper ang kanyang sarili, not only with the sights in foreign lands kundi mabigyan din ng kasiyahan ang kanyang puso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.