PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) isang araw matapos siyang magretiro.
Nagretiro si Año noong Oktubre 26 matapos naman ang kanyang mandatory retirement sa edad na 56.
Nauna nang inihayag ni Duterte na itatalaga niya si Año bilang Secretary ng DILG, bagamat isang taon pa bago siya makaupo sa puwesto.
Sa ilalim ng batas, may isang taon ban bago maitalaga ang mga opisyal ng militar bilang Secretary ng isang ahensiya.
Nangyari ang pagreretiro ni Año matapos ideklara ng militar na tapos na ang operasyon sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.