Ex-gov't official na media man: Marangal na bastos | Bandera

Ex-gov’t official na media man: Marangal na bastos

Den Macaranas - October 27, 2017 - 12:10 AM

MARANGAL na tao ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan pero iba ang salaysay ng mga nakasama niya sa industriya na kanyang ginagalawan.

Naging mambabatas at miyembro sa Gabinete sa mga nakalipas na pamahalaan pero wala pa ring pagbabago pagdating sa kalokohan ang bida sa ating kwento ngayong umaga.

Kamakailan ay nagrequest ang ating bida sa kasalukuyan niyang pinaglilingkuran na media outfit na bigyan siya ng sariling personal assistant.

Specific ang kanyang request, gusto niya ng babaeng alalay at ayaw niya ng lalaki.

Hindi tuloy napigilan ng ilang mga kasamaham sa trabaho na tumaas ang kanilang kilay lalo’t markado si Sir pagdating sa kalokohan sa mga chicks.

Muling naungkat ang dahilan ng pag-alis sa trabaho ng isang magandang reporter makaraan umanong i-harass ni Boss sa loob ng kanyang opisina noong sila’y magkatrabaho pa.

May kwento rin tungkol sa ginawa niyang indecent proposal sa isa ring reporter pero kaagad siyang binasted nito.

Malayong malayo sa kanyang estado ang mga tunay na kwento sa kanyang pagkatao.

Pero sinabi ng ilang mga nakakakilala sa kanya na sa kabila ng kanyang edad ay mahilig pa rin si Sir.

Bilang patunay ay suki raw ito sa isang tambayan ng mga Dirty Old Men sa isang maingay na lugar dito sa Metro Manila.

‘Yan daw ang dahilan kaya madalas na sabihin ng kanyang mga kasamaham sa pinaglilungkuran niyang media outfit na puro lalaki ang kanilang aplikante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kagalang-galang kuno na kilalang personalidad na markado dahil sa kanyang kalokohan ay si Mr. O….as in Oh My.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending