Bus mula Marawi naaksidente; 2 kawal, driver sugatan | Bandera

Bus mula Marawi naaksidente; 2 kawal, driver sugatan

John Roson - October 25, 2017 - 05:54 PM
Tatlo katao, kabilang ang dalawang sundalo, ang nasugatan nang maaksidente ang bus na naghahatid ng mga sundalong mula Marawi City, sa Iligan City, Lanao del Norte, Miyerkules ng umaga, ayon sa pulisya. Nagtamo ng bahagyang pinsala ang bus driver at dalawa sa mga sakay niyang kawal ng Army, sabi ng isang non-uniformed personnel (NUP) ng Iligan City Police Station 2 nang kapanayamin ng Bandera sa telepono. Naganap ang insidente dakong alas-11 sa isang bulubunduking lugar na malapit sa Bato detachment, Brgy. Maria Cristina. Lumabas sa imbestigasyon na nagloko ang preno habang binabagtas ng bus ang pababa at pakurbang daan, kaya kinabig ng driver ang bus sa gilid kung saan ito nasalpok sa isang poste ng kuryente at puno. “May naka-convoy din na dalawang sasakyan ng Army, nagkabundulan din sila nung biglaang paghinto, kasi nasa unahan nila ‘yung bus. Pero walang injured sa kanila, doon lang sa bus,” sabi ng police NUP. Inarkila ng militar ang bus, na pag-aari ng Rural Transit Mindanao Inc., upang maghatid ng mga sundalo mula Marawi matapos ang bakbakan doon, aniya. “Sabi ng ibang nakasakay dun sa bus, nagbibiruan sila, ‘di kami namatay sa bakbakan pero dito pa ata kami madadale,” sabi pa ng police NUP.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending