Kim sa titulong horror queen: Kay ate Kris lang yun, wala pa akong napapatunayan! | Bandera

Kim sa titulong horror queen: Kay ate Kris lang yun, wala pa akong napapatunayan!

|October 22,2017
facebook
share this

Kim sa titulong horror queen: Kay ate Kris lang yun, wala pa akong napapatunayan!

- October 22, 2017 - 12:05 AM


KAHIT hindi na sila madalas magkita, napanatili pa rin nina Kim Chiu at Kris Aquino ang kanilang friendship.

Isa si Kim sa mga itinuturing ni Kris na anak-anakan sa showbiz at hanggang ngayon daw ay patuloy pa rin ang kanilang communication kahit sa cellphone lang.

Sa presscon ng bagong horror movie ni Kim sa Star Cinema, ang bagong obra ni Chito Roño na “The Ghost Bride”, sinabi ni Kim na close pa rin sila ni Kris, “Nagti-text po kami, nagkakamustahan po kami lagi pag nasa shooting ako.

“Magte-text siya sa akin ng, ‘Hi, Kimmy. Take care sa shooting, say hi to direk Chito,’ ganu’n. Sobrang happy raw siya sa akin, napa-proud raw siya sa akin, ganu’n po,” kuwento pa ng aktres.

“Tsaka lagi kaming magka-Viber. Busy rin siya, busy rin kami. Ayun, pag may time, dadalawin ko yung bago niyang bahay. Kasi pag hindi ako busy, nasa out of the country naman siya.

“Feeling ko deserve niyang mag-rest muna, kasi lately, nagkakasakit siya. Pero hindi naman siya nawala sa showbiz talaga, nagku-commercial siya, and meron pa siyang mga show sa web, di ba?” aniya pa.

Samantala, ayaw tanggapin ni Kim ang titulong bagong “Horror Queen” kasabay ng pagpapalabas ng ikatlo niyang horror movie, ito ngang “The Ghost Bride” showing on Nov. 1. Parehong blockbuster hits ang dalawang horror film na nagawa niya, ang “Shake, Rattle & Roll X” at “The Healing”.

Tinawag na Horror Queen si Kris Aquino dahil sa sunud-sunod na horror movie na nagawa niya, kabilang na ang dalawang idinirek din ni Chito Roño, ang “Feng Shui” at “Sukob.”

“Ate Kris is Ate Kris, nag-iisa lang ‘yun. Hindi puwedeng pantayan, hindi puwedeng sapawan. Siya po talaga ay isang Kris Aquino na marami nang napatunayan,” ani Kim.

Hirit pa ng aktres, “Wala pa naman po akong napatunayan kaya hindi ko pa po matatawag ang sarili kong ganu’n. Sa kanya (Kris) lang ‘yun talaga, hindi puwede. Gawa na lang tayo ng iba (title).”

q q q

Speaking of Kim, tuloy pa rin ang paghataw sa rating ng daytime series nila ni Gerald Anderson na Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABS-CBN bago mag-Showtime.

Wala nang choice kundi tanggapin nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald) na hindi na maaaring maibalik ang dati nilang pagmamahalan at susubukang umibig muli sa tulong nina Percy (JC Santos) at Alex (Arci Munoz).

Muli na ngang nagkita sina Bianca at Gabriel ngunit hindi ito tulad ng kanilang inaasahan dahil sa pag-aakalang may iba nang karelasyon ang isa’t isa. Nauwi rin ito sa selosan matapos makita ni Bianca ang matamis na pagtitinginan nina Gabriel at Alex, kaya naman ipinakilala niya si Percy bilang kanyang bagong BF.

Sa kabila ng lungkot na kanilang nadarama, patuloy naman ang saya at pag-ibig na ihahandog nina Percy at Alex para sa dalawa. Tuluyan na ngang inamin ni Percy kay Bianca ang kanyang feelings, samantalang patuloy namang palalakasin ni Alex ang loob ni Gabriel na harapin ang mga pagsubok sa buhay at magbukas ng pintuan sa panibagong pag-ibig.

Wala na nga bang pag-asang magkabalikan sina Bianca at Gabriel?

Samantala, patuloy naman ang pangunguna ng Ikaw Lang Ang Iibigin sa national TV ratings. Patuloy din itong pinag-uusapan maging sa social media sa pagiging trending topic nito araw-araw at pag-ani ng mga papuri mula sa netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending