Sikat na female TV personality ala-Wonder Woman kapag nagalit sa mga katrabaho
THROWBACK ang naging paksa ng isang grupong nagpipista sa kuwentuhan isang gabi. Ang dami-dami nilang binalikang kuwento tungkol sa mga personalidad na matagal nilang nakatrabaho.
Sa telebisyon nagtrabaho nang matagal ang isang miron sa umpukan, natoka ito sa departamento ng news, kaya marami itong kuwento tungkol sa mga kilalang tagapagbalita.
Kuwento nito, “Naku, nakita ko kaya ang sobrang kahigpitan ni ____ (pangalan ng isang pamosong female news anchor) nu’ng mga panahong sikat na sikat ang show niya!
“Hindi mo gugustuhing mag-work sa kanya dahil sobrang terror ng babaeng ‘yun! Perfectionist kasi siya, ang akala siguro niya, e, kasingtalino niya ang staff niya, kaya kapag may pumapalpak sa trabaho nila, e, sobrang rolyo ang inaabot nila sa boss nila.
“Matindi siyang magsalita, talagang diretso ‘yun sa kalamnan mo, mararamdaman na lang ng kinukudaan niya na para bang wala na siyang saysay sa mundong ito!” simulang kuwento ng impormante.
Nu’ng minsan kunong may magawang major kapalpakan ang isa niyang staff na talagang nakaapekto sa kanyang show ay nagmistulang Wonder Woman ang babaeng news anchor.
“Ay, nagliparan ang mga video tapes! Talagang itinapon niyang lahat ang mga tapes na nasa mesa niya! Tapon kung tapon, hagis kung hagis ang ginawa niya!
“Ganu’n katindi! Para siyang si Wonder Woman na pinalilibutan ng mga kalaban niya, kaya wala siyang ginawa kundi ang ipaghahagis ang mga video tapes sa table niya!
“Pero ang maganda naman sa kanya, e, hanggang trabaho lang ang pagiging terror niya, pagkatapos ng trabaho, back to normal na siya. Kinakausap niya ang staff niya, pinasasalamatan sa isang magandang episode.
“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan pa ba naman ng clue para lang mahulaan n’yo kung sino siya? Handa na ba kayo?” pagtatapos ng aming humahalakhak na source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.