Higanteng ‘Bungisngis’ makikilala sa ‘AHA!’ | Bandera

Higanteng ‘Bungisngis’ makikilala sa ‘AHA!’

- October 12, 2017 - 12:01 AM

PATULOY ang nangungunang infotainment show na AHA! sa paghahatid ng isang buwang kilabot, saya, at kaalaman sa AHA! Monster Fest kasama si Drew Arellano.

At kung may “cyclops” sa Greek mythology, meron naman “Bungisngis” sa Pilipinas.

Mula sa mga kuwentong bayan ng Bataan, ang Bungisngis ay isang pambihirang higanteng nilalang na may isang mata sa bandang noo, at panay ang tawa at hagikgik.

Sa kuwento ngayong Linggo, mapapaibig sa magandang dalagang si Betty (Klea Pineda) ang isang Bungisngis, at dahil bulag si Betty, wala siyang kamalay-malay na halimaw pala ang kaniyang manliligaw.

Nang lumabas ang pagiging sobrang seloso at marahas nito, kailangan nang gumawa ng paraan si Betty para tuluyan nang mawala ang Bungisngis sa buhay niya bago pa mahuli ang lahat. Ano kaya ang gagawin ni Betty?

Samu’t saring saya, kaalaman at katatakutan ang hatid sa inyo ng AHA! Monster Fest ngayong darating na Linggo, kasama si Drew Arellano, 8:30 a.m. sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending