Iniwan na ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang Lakas-Christian Muslim Democrat at tumalon sa PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Duterte.
“My joining the PDP-Laban is to consolidate support for the President. It is a matter of course as we have been talking about this for quite sometime,” ani Arroyo sa isang statement. Ang Lakas-CMD ang partido ni Arroyo ng maging pangulo ng bansa noong 2004 presidential elections laban kay Fernando Poe Jr. Nanumpa si Arroyo kay House Speaker Pantaleon Alvarez kasama sina Bohol Rep. Arthur Yap, dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman, Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo at Atty. Raul Lambino. Si Arroyo ay sinibak ng liderato ng Kamara de Representantes matapos bilang House deputy speaker matapos na bumoto laban sa Death Penalty bill. Inaasahan naman na bibigyan ng posisyon si Arroyo ngayong miyembro na siya ng PDP-Laban.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending