Motor nahagip ng bus sa EDSA: 1 patay, 1 sugatan | Bandera

Motor nahagip ng bus sa EDSA: 1 patay, 1 sugatan

- October 02, 2017 - 03:57 PM
Nasawi ang isang babae habang sugatan ang kanyang kasamang lalaki nang mahagip ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang motorsiklo sa bahagi ng EDSA na sakop ng Makati City, Lunes ng umaga. Dead on the spot si Mary Ann Rodriguez, ng Signal Village, Taguig City, at sugatan si Antonio Castillo, residente din ng naturang lugar, sabi ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District. Naganap ang insidente sa bahagi ng southbound lane ng EDSA na nasa ilalim ng Magallanes MRT Station dakong alas-3:50. Minamaneho ni Castillo ang motor patungo sa Magallanes flyover nang mahagip umano ng pampasaherong bus, na nagtuluy-tuloy lang sa biyahe matapos ang insidente. Dahil sa impact ay tumilapon sina Castillo at Rodriguez at bumagsak sa kalsada, ayon sa pulisya. Idineklarang patay ng mga rescuer si Rodriguez habang si Castillo ay dinala sa Ospital ng Makati para malunasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending