Nakaluhod si Carl nang pagbabarilin ng mga pulis-mga testigo ng Senado | Bandera

Nakaluhod si Carl nang pagbabarilin ng mga pulis-mga testigo ng Senado

- October 02, 2017 - 03:46 PM
HUMARAP ang dalawang testigo sa isinagawang imbestigasyon ng Senado, kung saan sinabi nila na nakaluhod at nakaposas ang 16-anyos na si Carl Angelo Arnaiz nang pagbabarilin ng dalawang pulis.

Sa unang pagkakataon na pagharap sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay ng pagkamatay ni Arnaiz, itinuro  ng taxi driver na si Tomas Bagcal sina Police Officers 1 Jeffrey Perez at  Ricky Arquilita na silang pumatay sa biktima noong Agosto 18.

Idinagdag ni Bagcal na hinoldap siya ni Arnaiz at isa pang binatilyo gamit ang isang kutsilyo.

“Pinagbabaril na po yung holdaper at nakaluhod po sya,” sabi ni. Bagcal, na ang tinutukoy ay si  Arnaiz, bilang sagot sa pagtatanong ni Sen. Sen. Grace Poe.

Nang tinanong ni Poe kung narinig niya ang huling mga salita ni Arnaiz, sumagot ang driver ng, “Malayo po ako. Yung hitsura lang po nya: nakaluhod na nakataas yung kamay.”

Isa pang testigo na nagpakilalang si si Joe Daniel, ang nagsabi na nakita rin niyang nakaluhod ang biktima habang binabaril ng mga pulis.

Idinagdag ni Daniel na nagkataon na malapit siya sa lugar kung saan binaril si Arnaiz.

“Nakita ko yung mukha nung lalaki. Nakakaawa yung mukha nya…” sabi ni Daniel, na ang tinutukoy ay si Arnaiz.

“Nakatakbo na po sya sa damuhan and then nakaluhod po sya noong binaril na may posas…” dagdag ng testigo.

Nang tanungin ni Poe kung sino ang mga pulis na pumatay kay Arnaiz, itinuro ni Daniel sina  Perez at Arquilita. Inquirer.net
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending